Charice, pasok sa Alvin and The Chipmunks 2  

Posted by budzhot

When it rains it pours! 'Yan ang kasabihan kapag sinuswerte nga naman ang isang tao. At isa na nga rito si Charice, ang Pinay Youtube singing sensation na popular na ngayon sa buong mundo dahil sa angking galing sa pag-awit.

Si Charice ay nasa Amerika ngayon at tinatapos ang kanyang first US album sa pakikipagtulungan ni David Foster. Pero alam nyo ba na pasok na rin si Charice sa isang Hollywood movie doon? Totoo yan, kasalukuyan siyang nagso-shooting para sa role niya bilang kinatawan ng kanilang school sa isang singing contest katunggali ang ibang mga contestants kasama na rito sina Alvin at mga Chipmunks.

Bagamat maliit lang ang kanyang role masaya pa rin ito at napasama siya sa 20th Century Fox's "Alvin and the Chipmunks 2 na mapapanood sa unang bungad ng taong 2010.

Dumaan muna si Charice sa auditions at kumanta ng 'Listen' at 'Irresplaceable' na pinasikat ni Beyonce. Napabalitang napanood si Charice ng direktor ng 'Alvin and The Chipmunks' sa Oprah at napahanga ito kaya siya natanggap sa role.

Erik Santos gagawa ng album sa US kasama si Jim Brickman  

Posted by budzhot

Isa sa mga paborito kong mang-aawit sa ating bansa ay si Erik Santos. Nung unang nagkaroon siya ng album ay bumili ako at sa kabutihang palad ay nakita ko rin siya sa personal at nakamayan pinirmahan ang binili kong album kalakip ng kanyang poster.

Ngayon malayo na ang kanyang narating bilang mang-aawit. Pumirma ulit siya ng panibagong kontrata sa Star Records at kaakibat nito ay ang recording niya sa U.S.

At ang maganda pa nito ay may collaboration siya with Jim Brickman, ang international singer/composer.

"First time na gagawin ko yun, sa studio talaga sa U.S., para lang sa susunod kong album. Lilipad kami sa States by last week of April, or first week of May, para harapin yung recording doon.

"It will be a collaboration with Jim Brickman. Just the mere thought of it excites me, hindi ko ma-explain ang feeling. Kasi Jim Brickman is special to me, lalo na sa influence niya sa music ko. Fan ako ng songs niya. Hindi ko naisip na ire-record ko pala ang mga kanta niya in the future, and he will be there para sa arrangements at pagtugtog sa piano,"

Mismong sa studio ni Jim Brickman namin tatrabahuin yung recording. Hopefully, pati yung music video para sa ilang kanta, sa U.S. na namin mai-shoot. Grateful ako sa Star Records at binigyan nila ako ng ganitong opportunity. Mahirap kalimutan ito," pagwawakas ni Erik sa kanyang interview.

Mga fans ni Sarah nagrereklamo sa TF nya!  

Posted by budzhot

Personally, hindi ako sa fan ni Sarah Geronimo but I must admit na minsan nanonood din ako sa mga teleserye niya, nakikikanta sa mga hits nya pero hindi ko pa siya napapanood sa pelikula gawa ng wala akong time at busy sa work.

Pero lately naging malaking isyu sa kanya ang kanyang Talent Fee (TF) na lumabas sa Yes Magazine. Na kahit sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Sarah at hinirang na Box Office Queen ay maliit lang pala ang TF niya.

Si Sarah ay contractual talent ng Viva at matagal na rin siyang nakatali dito. Mapa-album, concert, endorsements, TV guestings at pelikula ang Viva ang humahawak nito. Lumalabas tuloy na ginagatasan lang diumano ng Viva si Sarah.

Narito naman ang opisyal na pahayag ng StarCinema sa usapin ng TF ni Sarah.

Star Cinema would like to clarify the issue on the talent fee received by Sarah Geronimo for the movies A Very Special Love and You Changed My Life.

Sarah is a contractual talent of Viva Films, a co-producer for the aforementioned Star Cinema projects. Her professional arrangement is similar to that of Anne Curtis for her projects When Love Begins and ‘Wag Kang Lilingon. Sarah’s and Anne’s talent fees for their individual movies were upon the recommendation of Viva Films. In Sarah’s case, Star Cinema simply adhered to and implemented her contractual agreement with Viva Films.

We honor Sarah Geronimo and Viva Films’ talent-manager relationship. Viva takes care of her talent fees and Star Cinema has nothing to do with it.
Sa kabila ng lahat ay tahimik pa rin si Sarah at hindi mo nakikitaang nagrereklamo sa kanyang TF mula sa Viva. Mukhang kuntento naman siya at masaya sa kanyang buhay ngayon. Oh well, mostly mga panatiko lang ni Sarah ang nagrereklamo. Kung kay KC nga raw e P5 milyon per movie e baguhan lang ito whereas kay Sarah e matagal na at malaki ang fan base bakit hindi pwede kay Sarah?

Handa ka na ba sa Pinoy Bingo Night?  

Posted by budzhot

Magpapaalam na pala sa ere mamaya ang Kapamilya Deal or No Deal (KDOND) sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Subalit hindi pa rin mawawala si Kris Aquino sa sirkulasyon dahil  siya ang magiging host sa bagong game show na papalit sa timeslot ng KDOND. Itong game show na ito ay franchised ng Kapamilya network mula sa Amerika ang National Bingo Night at dinala nila rito sa Pinas at ito ngayon ay tatawaging Pinoy Bingo Night.

Sa mga nais sumali narito kung paano. You may register at http://pbn.abs-cbn.com/ or through SMS (simply key in PBN last name, first name/age/gender/address and send to 2366). Applicants may also drop their entries containing the above-mentioned information in drop boxes at the ABS-CBN compound along Mother Ignacia St., Quezon City.

Mga nominado sa 25th Star Awards for Movies 2009  

Posted by budzhot

Ngayong taon ay gaganapin ang 25th Star Awards for Movies 2009. Ipinagdiriwang ang silver anniversary ng taunang parangal na ito para sa natatanging achievements sa local filmmaking, na itinataguyod ng samahan ng mga mamamahayag pang-aliwan, ang Philippine Movie Press Club o ang PMPC.
Ang 25th Star Awards for Movies 2009 ay gaganapin sa Mayo 28, Huwebes; magsisimula ang programa sa ganap na ika-7 ng gabi, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University (ADMU), Loyola Heights, Quezon City.

Ang TV airing ay mapapanood sa Mayo 31 ganap na ika-10:30 ng gabi. Isasahimpapawid ito ng ABS-CBN.

Ang 25th Star Awards for Movies ay mula sa produksiyon ng FLT Productions, Inc. nina Mrs. Rose Flaminiano at (co-producer) Ms. Christina Kitts.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nominado:

Movie of the Year

A Very Special Love (Star Cinema)
Baler (Viva Films and Bida Productions)
Caregiver (Star Cinema)
Kulam (Regal Entertainment)
Magkaibigan (Maverick Films)
Ploning (Panoramanila Pictures Co.)

Digital Movie of the Year

100 (Martinez Rivera Films Productions)
Boses (Erasto Films)
Paupahan (ATD Productions)
Torotot (Viva Digital)
Yanggaw (Creative Programs Inc./Strawdogs Studio Productions)
Sisa (Oncam Productions)
Jay (Pasion Para Pelicula Productions)

Movie Director of the Year

Dante Nico Garcia (Ploning)
Cathy-Garcia Molina (A Very Special Love)
Jun Lana (Kulam)
Mark Meily (Baler)
Chito Roño (Caregiver)

Digital Movie Director of the Year

Crisostomo Juan Andaluz (Sisa)
Maryo J. delos Reyes (Torotot)
Ellen Ongkeko Marfil (Boses)
Chris Martinez (100)
Francis Xavier Pasion (Jay)
Richard Somes (Yanggaw)
Joven Tan (Paupahan)

Movie Actor of the Year

Carlo Aquino (Carnivore)
John Lloyd Cruz (A Very Special Love)
Allen Dizon (Paupahan)
Baron Geisler (Jay)
Ronnie Lazaro (Yanggaw)
Aga Muhlach (When Love Begins)
Jericho Rosales (Baler)

Movie Actress of the Year

Irma Adlawan (Hubad)
Sharon Cuneta (Caregiver)
Anne Curtis (Baler)
Mylene Dizon (100)
Gloria Romero (Fuchsia)
Judy Ann Santos (Kulam)
Jodi Sta Maria (Sisa)

Movie Supporting Actor of the Year

Ricky Davao (Boses)
Emilio Garcia (Walang Kawala)
Baron Geisler (Baler)
German Moreno (Paupahan)
Phillip Salvador (Baler)

Movie Supporting Actress of the Year

Tetchie Agbayani (Yanggaw)
Shamaine Buencamino (Ang Lihim ni Antonio)
Gloria Romero (Paupahan)
Tessie Tomas (100)
Snooky Serna (Paupahan)

New Movie Actor of the Year

Julian Duque (Boses)
Bojong Fernandez (Ploning)
Kenjie Garcia (Ang Lihim ni Antonio)
Carlo Guevara (Desperadas 2)
Sherwin Ordoñez (Kurap)
Prince Stefan (Shake, Rattle & Roll X, “Class Picture” episode)

New Movie Actress of the Year

Precious Adona (Torotot)
Ynna Asistio (Concerto)
KC Concepcion (For The First Time)
Niña Jose (Shake, Rattle & Roll X, “Class Picture” episode)
Chariz Solomon (My Best Friend’s Girlfriend)

Movie Child Performer of the Year

Julian Duque (Boses)
Ashley Rhein Arca (Kurap)
Tala Santos (Boses)
Sharlene San Pedro (Kulam)
Robert Villar (Shake, Rattle & Roll X, “Nieves” episode)

Original Movie Screenplay of the Year

Roy Iglesias (Baler)
Raz Sobida-Dela Torre (A Very Special Love)
Dante Nico Garcia and Benjamin Lingan (Ploning)
Jun Lana, Elmer Gatchalian and Renato Custodio (Kulam)
Chris Martinez (Caregiver)

Digital Original Movie Screenplay of the Year

Dennis Evangelista (Paupahan)
Chris Martinez (100)
Froi Medina and Rody Vera (Boses)
Francis Xavier Pasion (Jay)
Richard Somes (Yanggaw)

Movie Cinematographer of the Year

Eli Balce (Caregiver)
Lee MeiIy (Baler)
Charlie S. Peralta (Ploning)
Manuel Teehankee (A Very Special Love)
Moises Zee (Kulam)

Digital Movie Cinematographer of the Year

Albert Banzon (Sisa)
Hermann Claravall and Lyle Sacris (Yanggaw)
Larry Manda (100)
Lee Meily (Lovebirds)
Romy Vitug (Paupahan)

Movie Editor of the Year

Danny Añonuevo (Baler)
Danny Añonuevo (Ploning)
Manet Dayrit (Caregiver)
Marya Ignacio (A Very Special Love)
Ria De Guzman, Renewin Alano & Mikael Angelo Pestano (Kulam)

Cory Vidanes, bagong head ng Channel 2  

Posted by budzhot

Hinirang ng ABS-CBN Broadcasting Corp. ang ABS-CBN Head of Entertainment Production Cory Vidanes bilang bagong pinuno ng Channel 2 Mega Manila epektibo nitong Marso 18. Siya ngayon ang mamamahala sa mga programa ng istasyon, pagpapalago ng artista, on-air operations, at pangkalahatang kita ng Channel 2 sa Mega Manila.
Si Vidanes ay naging ABS-CBN Head of Entertainment Production simula noong 1996. Sa kanyang pamumuno, naging popular ang mga soap operang tulad ng "Mara Clara" at "Mula sa Puso". Siya rin ang dahilan kung bakit naging tanyag ang isang kontrabida tulad ni "Madame Claudia" (Pangako Sa'yo) at bumuo ng bankable love teams tulad nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual, at Claudine Barreto at Rico Yan.

Nagtapos si Vidanes ng Communication Arts sa Ateneo de Manila University. Nagsimula ang kanyang career sa telebisyon sa BBC-2 noong 1982 at pumasok sa ABS-CBN noong 1986 bilang Associate Producer.

Geoff Eigenmann balik Kapuso  

Posted by budzhot

Balik Kapuso ulit si Goeff Eigenmann matapos ang ilang taong pamamalagi sa ABS-CBN. Ang 'Lobo' ang huli nitong proyekto sa Kapamilya network. Nagpaalam naman daw siya sa management bago ito lumipat.

Isa sa bagong proyekto ni Goeff sa Kapuso network ay ang SRO Cinema Serye at pinalitan niya rito si JC De Vera dahil nga sa pagpull-out ng manager nitong si Annabele Rama.

Hindi pa siya pormal na pumirma ng kontrata pero inaasahang marami siyang proyektong gagawin sa Kapuso network. Si Geoff ay anak nina Gina Alajar at Michael De Mesa.

Journey, magtatanghal sa Pinas  

Posted by budzhot

Matapos ang mahigit na limampung matagumpay na konsyerto noong nakaraang taon sa iba't-ibang panig ng America at Europa ay muling magkakaroon ng konsyerto ang American rock band na Journey.

Sa taong ito ay lilibutin naman nila ang ilang bahagi ng Asya kaugnay ng kanilang Asian Tour. At isa na nga rito ang Pinas na kanilang pagtatanghalan. Unang pagkakataon  nilang magconcert rito sa ating bansa mula ng sila'y sumikat noong dekada '80.

Bukod diyan, ang pinaka espesyal siyempre ay dahil ang kanilang bagong bokalista ay isang purong Pinoy sa katauhan ni Arnel Pineda. Pinalitan ni Arnel ang sikat at nagpatanyag sa Journey na walang iba kundi ang bokalista nila noon na si Steve Perry.

Gaganapin ang konsyerto ngayong darating na Marso 14, 2009 sa Mall of Asia concert ground sa ganap na 8:00 ng gabi. Ang mga panatiko ng Journey ay makakaasang kakantahin nila ang kanilang pamosong awitin tulad ng 'Open Arms, 'Faithfully', Don't Stop Believin' at ilan sa mga kanta mula sa kanilang pinakabagong album na 'Revelation' na nagkamit ng Platinum status sa bansang Amerika.

Narito ang Journey 2009 Tour Dates

Tokyo, Japan - March 9th, 2009

Nagoya, Japan - March 10th, 2009

Osaka, Japan - March 11th, 2009

Manila, Philippines - March 14th, 2009

Macau, China - March 20th, 2009

Maui, Hawaii - March 24th, 2009

Honolulu, Hawaii - March 26th, 2009

Kona, Hawaii - March 28th, 2009

Bang Your Head Festival, Germany - 26th-27th June

Francis M. pumanaw na  

Posted by budzhot

Patay na ang batikang rapper na si Francis Magalona sa edad na 44 kanina lamang. Ang sakit na leukemia ang siyang naging dahilan ng kanyang pagpanaw. Siya ang nagpasikat sa pamosong kantang "Mga Kababayan Ko", "Koleidoscope World" atbp. Naging hurado rin siya noon sa Philippine Idol ng ABC5 at naging co-host ng longest running variety show na Eat Bulaga.

Taos puso po akong nakikiramay sa mga pamilya at kaibigang naulila ni Francis M.

Charice, sinabotahe nga ba sa nakaraang Oscar after-party?  

Posted by budzhot

Pagkatapos ng 81st Oscar Awards ay nagkaroon ng Oscar after-party sa pangunguna ni Leeza Gibbons at David Foster sa Mr.Chow restaurant. At siyempre dahil alaga ni David si Charice kaya andoon rin ang batang singer.

Kumanta si Charice ng 'Listen' at 'I Will Survive' sa gabing iyon. At ang pinaka-highlight e yong kinanta niya ang 'Fingerprint', original na composition na kasama sa una niyang international album.

Nagustuhan ko yong kanta, at mapapaindak ka rin sa tempo. Kaya lang nung bandang kalagitnaan na si Charice sa pagkanta nag skipped ang Disc kaya pinaulit si Charice. Nagloko na naman ulit sa pangalawang pagkakataon. Kaya hindi na niya nakanta ng buo ang 'Fingerprint'.

Marami ngayon ang naglalabasang mga argumento kung sinadya nga ba talaga yon ni David Foster na mangyari ang ganung eksena para mas lalong ma-excite ang mga fans ng bata? O di naman kaya sadyang nagkaroon lang talaga ng technical glitches. Sa mapapanood nyong video makikita nyo na nabigla rin si Charice sa nangyari. Pero ganun pa man 'the show must go on', ika nga. May sabotahe nga bang nangyari? Ano ang masasabi nyo?

Narito ang video:

Audition schedules para sa Pinoy Big Brother 3 at Teen Edition 3  

Posted by budzhot

Magkakaroon ng panibagong auditions ang pinaka-hit na reality show ng ABS-CBN at ito ay ang Pinoy Big Brother (PBB) para sa ikatlong edisyon at para sa Teen Edition 3:

Audition Schedules:
February 27 PDA - Concert Hall 9AM-3PM
March 1 - Batangas
March 6 - Laog
March 8 - Pampanga
April 17 - Bohol
April 19 - Roxas City
April 24 - Butuan City
April 26 - General Santos City
May 8 - Camarines Sur

Age Requirement:
PBB Season 3: 19-35 yrs. old
PBB Teen Edition 3: 14-17 yrs. old

Applicants must bring the following items to the audition:
original and photocopy of birth certificate
1 close-up and 1 full body picture
valid ID
ballpen

Jommy Teotico, wagi sa Pinoy Fear Factor  

Posted by budzhot

Si Jommy Teotico, 24, model, ang itinanghal na El Ultimo Participante sa katatapos lamang na Pinoy Fear Factor na ginanap sa Argentina, South America. Napanalunan niya ang P2 milyon at isang House and Lot.

Sino ba namang mag-aakala kung saan kulelat lagi dati ngunit habang tumatagal e lumalaban na rin sa iba't-ibang hamon ng naturang reality show na napapanood sa ABS-CBN gabi-gabi.

Kaya sa'yo Jommy, congrats at magpakanton ka naman.

Angel Locsin bida sa remake ng Only You  

Posted by budzhot

Balik trabaho na ulit si Angel Locsin matapos itong ma-ospital dahil sa pagkakasakit nito ng dengue. Pero aniya, hindi  pa siya ganun ka fully recovered. Sa katunayan hinihingal siya kahit sa kunting sayaw na ipinamalas niya sa nakaraang trade lunch ng Kapamilya network na ginanap kamakailan lamang sa Rockwell Tent.

Si Angel ang bida sa remake ng Koreanovelang Only You at makakatambal niya rito sina Sam Milby at Diether Ocampo.  Nakatakda rin silang magshooting sa Korea para sa naturang soap opera. Mag-aaral na rin siyang magluto dahil chef ang kanyang karakter dito.

Pakaaabangan din si Angel ngayong Pebrero 28, 2009 sa Maalaala Mo Kaya para sa isang makabagbag damdaming pagganap bilang taong grasa. Magiging semi-regular na rin siya sa Asap 09 sa darating na linggo.

Presidente ng ABS-CBN imbitado sa 81st Oscar Awards  

Posted by budzhot

Imbitado si Ms. Charo Santos Concio, ang Presidente at COO ng ABS-CBN para dumalo sa 81st Academy Awards o mas kilala sa tawag na Oscar Awards. Ang naturang seremonya ay gaganapin ngayong Pebrero 23, 2009 (Manila Time) sa Kodak Theater  sa Hollywood & Highland Center.

Ang host ng naturang awards ay si Hugh Jackman na sumikat sa pelikulang X-Men bilang Wolverine. Mapapanood sa ABS-CBN ng live ngayong Lunes, Pebrero 23, 2009 9:45am.

Chris Brown nambugbog!  

Posted by budzhot

Isa si Chris Brown ang pinakasikat na mang-aawit ngayon. Sa edad na 19 taong gulang nakamit na niya ang tagumpay sa larangan ng musika. Marami na rin siyang pinasikat na kanta at ang 'With You' ang isa sa mga paborito ko.

Subalit nitong mga huling araw dalawang oras bago ang Grammy Awards Night 2009 ay kinansela ang partisipasyon nina Chris Brown at Rihanna. Ayon sa report, inaresto ng mga pulis si Brown dahil sa pambubugbog sa isang 'di kilalang babae. Ang tinutukoy nilang babae na binugbog ni Brown ay ang kanyang girlfriend na si Rihanna. Nakapagpiyansa naman si Brown sa kanyang kasong kinasasangkutan. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.

Ayon naman sa publicist ni Rihanna,maayos naman ang kanyang lagay sa kasalukuyan at nagpapasalamat sa mga sumusuporta.

Sarah at John Loyd handa ng magpapakilig ngayong Feb.25  

Posted by budzhot

Dati inakala ng marami na hindi bagay sina John Loyd Cruz at Sarah Geronimo na magsama sa isang pelikulang 'A Very Special Love'. Subalit marami ang nagulantang dahil tumabo ito sa takilya. At talaga namang hit din ito maging sa mga kababayan natin abroad.

Kaya naman naisipan ng Star Cinema na gawan ng sequel ang naturang pelikula. At heto na nga ang ' You Changed My Life' sa direksyon pa rin ni Cathy Garcia Molina na mapapanood na sa mga sinehan nationwide ngayong darating na Pebrero 25, 2009.

Pop Icons, manghaharana sa Araneta  

Posted by budzhot

Malapit na pala ang Araw ng mga Puso kaya naman abala ang mga magsweethearts o ang mga loveless ngayon kung paano nila ipagdiriwang ang Valentine's Day. Malamang meron dyan na manonood ng sine, kakain sa labas, pupunta ng Baguio,lalabas sa ibang bansa o di naman pupunta na lamang sa Luneta Park. Punuan din siguro ang Luneta Park sa araw na yaon.

Pero kung gusto niyong maaliw at mainlove aba e tamang-tamang magkakaroon ng concert sa Araneta Coliseum ngayong February 21, 2009. Kaya nga lang post Valentine's na ito, pero ok na rin yon e kung sina Piolo Pascual, Mark Bautista, Sam Milby, Erik Santos at Christian Bautista ba  naman ang mapapanood mo aba e siguradong mas lalo kang ma-iinlove.

Ang concert na ito ay pinamagatang Pop Icons, produced ng ASAP Live at Sunday Night Poductions.

Angel at Piolo, cover ng Cosmopolitan Feb 2009 issue  

Posted by budzhot

Ang isa sa pinaka-hottest na loveteam ngayon na walang iba kundi sina Angel Locsin at Piolo Pascual, ang siyang bagong cover ng Cosmopolitan magazine para sa kanilang February 2009 issue. Ito rin ang unang pagkakataon na mag-feature sila ng isang loveteam sa kanilang magasin.

Ang dalawa ay unang nagsama sa matagumpay na 'Lobo' series sa ABS-CBN at sa pelikulang 'Love Me Again' under Star Cinema. Ang kanilang unang pelikulang pinagtambalan ay tumabo sa takilya. Now on it's 3rd week in showing ay umabot na sa P60.28M ang kinita. Showing na rin ito sa ibang bansa particularly sa mga piling sinehan sa Europe at America.

Mabibili na ang naturang magasin sa inyong mga paboritong newstands at bookstore.

MYMP ganap ng Kapamilya  

Posted by budzhot

Ganap ng Kapamilya ang MYMP na binubuo nina Juris Fernandez at Chin Alcantara matapos itong pumirma sa Star Records, ang music arm ng ABS-CBN. Masaya anila dahil napabilang sila sa napakalaking recording company ng ating bansa sa kasalukuyan.
At ang unang proyekto ay gagawa ng solo album si Juris. Yes, solo lang siya pero si Chin ay ang magha-hands on sa album. Para naman daw maiba at masubukan ang versatility ni Juris sa larangan ng pagkanta. Pero as much as possible gusto nilang original lahat ang nakapaloob sa album. Kasi nga naman daw e puro revival ang nagawa nila before and this time gusto nilang sumikat naman ang mga original compositions nila.

Bagong mukha ang magbibida sa remake ng Rosalinda  

Posted by budzhot

Ang GMA-7 ang nakabili ng rights ng Rosalinda na pinasikat ni Thalia noon. Sa Pinoy version nito marami ang nagsasabing si Marian Rivera ang gaganap nito gawa nga ng siya ang bida sa remake na Marimar noon. Naging popular si Marian dahil sa nasabing teleserye na yon.

Subalit nitong nakaraang trade lunch ng Kapuso network para sa kanilang mga bagong programa na ilalabas nitong taon ay ipinakilala na kung sino ang magbibida sa remake ng Rosalinda. Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Carla Abellana. Siya ay anak ni Rey 'PJ' Abellana at graduated as Cum Laude sa DeLa Salle.

Kamakailan lamang ay pumirma na rin si Carla ng 12 movie contract sa Regal Entertainment. Siya na kaya ang tatanghaling bagong reyna ng Kapuso Network? Papaano na si Marian na lately ay puro nega ang naglalabasang isyu laban sa kanya? Mababa rin sa ratings ang pilot episode nitong ' Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang' na katambal si Dingdong Dantes. Tama kaya ang hula na lalamlam ang karir ni Marian sa taong ito?

Journey kumanta sa Superbowl  

Posted by budzhot

Kumanta ang bandang Journey sa preshow ng ika-43 ng Super Bowl na ginanap sa Tampa, Florida. Mukhang masaya naman ang buong banda at sa muli ay nagkasama-sama sila mula ng nagbreak sila ng ilang buwan.

Marami rin ang natuwang makita si Arnel Pineda sa personal. Tumugtog sila ng isang oras kaya lamang iisang kanta lang ang inere sa telebisyon at ito ay ang kantang pinasikat ng banda ang 'Don't Stop Believing'.

Ang hindi ko lang nagustuhan ay ng sinabi ng Commentator na si Arnel Pineda ay ang pangalawang bokalista ng banda at nanalo ito sa Karaoke sinnging contest. Naku po! Di man lang nagresearch.. Nakakahiya!

Rhian, makakatambal muli si RG  

Posted by budzhot

Aba, talagang in-demand ngayon si Rhian Ramos ah. Dahil matatapos na ang kanyang teleseryeng 'La Lola' ay heto raratsada na naman siya sa Zorro. Siya ang napili ng Kapuso network na isa sa magiging leading-lady ni Richard Gutierrez. Meron pang isa, ngunit hindi pa nila pinapaalam kung sino ito.

Kaya lang ang dami kong nababasang nega reactions particularly sa mga Kapuso fans tungkol sa babaeng ito. Kesyo malakas ang kapit kaya laging may proyekto samantalang ang ibang talent ng siyete ay nakatiwangwang, nariyan din na tawagin siyang playgirl. Nga pala, pinabulaan niyang naging sila ni Mark Herras kahit inamin mismo ng lalaki na nagkaroon sila ng relasyon.

Si Rhian na ba ang susunod sa yapak ni Marian Rivera?

Marian at Dingdong, balik tambalan  

Posted by budzhot

Balik tambalan muli sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa 'Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang' na mapapanood simula Lunes (Pebrero 2, 2009) sa Kapuso network.

Ito na ang pangatlo nilang pagtatambal na nagsimula sa Marimar at pagkatapos naman ay sa Dyesebel.

Kaya sa mga fans nina Marian at Dingdong 'wag nyo ng palalampasin na masilayan muli ang tinuturing na hottest loveteam sa kasalukuyan.

Kilalanin ang 'Rin on the Rox'  

Posted by budzhot

Have you heard about 'Rin on the Rox'? I'm sure ang iba sa inyo ay hindi pa nakakakilala sa kanila. Ok, I will give you a little bit info about them. Magbespren yan silang dalawa. Si Erin 'Rin' Paula na purong Pinay ay 20 na ang edad at si Roxanne 'Rox', ay isang Fil-Am, 21 na taong gulang naman. Sila ang tinaguriang 'Bathroom Singers'.

Magtatanong kayo kung bakit tinagurian silang 'Bathroom Singers'. E kasi, kumakanta silang dalawa sa banyo at nirerecord nila ito tapos ina-upload nila sa Youtube. Dahil sa may boses naman talaga silang dalawa ay maraming humahanga sa kanila at talagang nagrerequest pa.

Ito ngayon, napanood ni Ellen De Generes ang mga video nila sa Youtube kaya naman inimbitahan sila ni Ellen na mag guest sa kaniyang show. Kung naalala nyo, naimbitahan rin si Charice noon ni Ellen sa pamamagitan ng Youtube at ng malaon ay si Arnel Pineda naman ang inimbitahan nito kasama ang buong bandang Journey.

Ang kaibahan nga lang kasi, itong dalawa ay California based kaya kanang-kana kung magsalita but they are proud of their roots as a Filipino.

Sana marami pang madidiskubreng mga Pinoy talent si Ellen. Talagang bilib na bilib siya sa ating mga Pinoy.

To you 'Rin on the Rox', wish you all the best sana magtuloy-tuloy na ang swerte nyo and we're proud of you guys. I love your tandem.. Keep it up.

Charice, mananatili muna sa Amerika  

Posted by budzhot

Nakabalik na si Charice mula sa Washington D.C. kung saan kumanta siya sa ilang pre-inaugural balls sa bagong halal na presidente ng Amerika na si Barack Obama. Marami ang napabilib sa kanya ng kantahin niya ang 'God Bless America'.

Subalit hindi rin magtatagal rito si Charice sa ating bansa dahil babalik na muli siya sa Amerika at doon na muna mamamalagi. Aniya, kailangan nya munang manatili doon ng ilang buwan para matutukan niya ang kanyang karir at nakatakda na rin niyang gawin ang kanyang kauna-unahang international album sa ilalim ng Warner Bros.

Merong planong pagsamahin sa isang Valentine's concert sina Charice at David Archuleta pero hindi pa ito pinal. May balita ring may bagong show na gagawin si Charice sa Amerika at siya ang magiging host nito.

Narito ang video kung saan kinakanta ni Charice ang God Bless America sa dinaluhan niyang Martin Luther King Awards ceremony sa Grand Hyatt Hotel.

Kristine Hermosa, Kapamilya pa rin  

Posted by budzhot

Natapos na rin ang haka-hakang lilipat si Kristine Hermosa sa Kapuso network matapos itong pumirma ng one-year contract kamakailan sa ABS-CBN. Matagal ding namahinga si Kristine sa Kapamilya network.
Sa kanyang pinirmahang kontrata, gagawa siya ng isang pelikula sa movie armed ng ABS-CBN ang Star Cinema. May gagawin din siyang dalawang teleseries at ito ay ang Maruja at ang pagbabalik tambalan nila ni Jericho Rosales, ang Ikaw Lamang. Nauna na silang nagreunion sa isang episode ng MMK noong nakalipas lamang na Disyembre.

Excited siya na muling makatambal si Echo sa panibagong teleseryeng gagawin nila. Open naman daw siya aniya sa posibilidad na manumbalik ang kanilang pagtitinginan sa isa't-isa mula ng sila'y naghiwalay bilang magkasintahan sa tunay na buhay ilang taon na ang nakakalipas.

Kilalanin si BB Gandanghari  

Posted by budzhot

Nakakagulat naman itong bagong balita kay Rustom Padilla. Bakit ka nyo? Aba naman e, pinalitan na pala niya ang kanyang screen name at siya na ngayon ay si 'BB Gandanghari'. O kitams, ang saya-saya! hahaha...
Nawala si Rustom este si BB ng tatlong buwan dahil nag-aral pala ito ng modelling sa New York. No comment naman ang kanyang pahayag kung balak niya na ring magpa sex change.
Cool na cool naman ang naging reaksyon ni Carmina Villaroel tungkol sa nangyayari kay BB ngayon dahil aniya pareho na silang nakapag moved on. Ani Carmina kung saan daw masaya si Rustom aba e happy na rin siya. Oo nga naman total may kambal na siya kay Zoren Legaspi.

Leading-lady ni Zorro, wanted!  

Posted by budzhot

Isa sa pinaka-malaking proyektong gagawin ng GMA-7 ngayong taong ito ay ang paggawa ng Pinoy adaptation ng Zorro. Si Richard Gutierrez ang napili ng Kapuso network na magbida dito.
Kaya lang nahihirapan silang ihanap ng leading-lady si Richard. E masyado naman kasing busy ang mga napipisil sana nila tulad ni Heart na may Luna Mystika, andyan din si Rhian Ramos e may La Lola pa siya. Kung si Marian naman may gagawin din siyang teleserye katambal naman si Dingdong Dantes.

Kaya naman naisipan nilang magkaroon ng open audition bukas para sa magiging leading-lady ni Richard. Sa mga nais mag-audition aba e sumugod na sa GMA Network Center bukas January 16, 2008. Ang open audition ay magsisimula ng 1 pm onwards..

'What you see is what you get'  

Posted by budzhot

Muling magsasama sina KC Concepcion at Richard Guttierez sa pelikulang 'When I Met You' na co-produced ng Regal Entertainment at GMA Films para sa kanilang Valentine's presentation ngayong taon. Nauna ng nagsama ang dalawa noong nakaraang taon sa 'For The First Time' ng Star Cinema at tumabo ito sa takilya.

Dito natin malalaman kung solid nga ba ang mga fans nina KC at Richard kahit pa sa ibang film outfit ito ginawa. Malalampasan kaya nila ang kinita ng una nilang pelikula?

Hindi pa rin direktang inaamin ng dalawa na may namamagitan sa kanila. What you see is what you get, yan ang binitiwang mga salita ni Richard patungkol sa kanilang relasyon.

Samantala, pinabulaan rin ni Richard na lilipat siya sa bakuran ng Dos ngayong taong ito. Aniya, walang dahilan para lumipat siya dahil maayos naman ang takbo ng kanyang karir sa siyete. Kung mayroon man daw silang di pagkakaunawaan ng kanyang mother studio ay nadadaan naman daw sa mabuting usapan.

'A Love Story' humakot ng awards sa 26th Luna Awards  

Posted by budzhot

Wagi ang 'A Love Story' ng Star Cinema sa ika 26th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines dahil humakot ito ng 5 major awards. Ang naturang award ay bilang pagkilala sa mga natatanging pelikula noong 2007. Ang awards night ay gaganapin ngayong darating na January 26, 2009.
Narito ang kumpletong talaan ng mga nagwagi:

Best Picture:
A Love Story (Star Cinema)

Best Director:
Maryo J. de los Reyes (A Love Story)

Best Actor:
Paolo Contis (Banal)

Best Actress:
Maricel Soriano (Bahay Kubo)

Best Supporting Actor:
Dante Rivero (A Love Story)

Best Supporting Actress:
Angelica Panganiban (A Love Story)

Best Screenplay:
Vanessa R. Valdez (A Love Story)

Best Cinematography:
Renato de Vera (Ataul for Rent)

Best Editing:
Jess Navarro (Silip)

Best Production Design:
Rodell Cruz (Resiklo)

Best Sound:
Ditoy Aguila (Ouija)

Best Musical Score:
Carmina Reyes Cuya (Ouija)

Golden Reel Award:
Former President Joseph Estrada

The Manuel de Leon Award:
Cirio Santiago (producer-director)

FPJ Lifetime Achievement Award:
Ms. Boots Anson-Roa (actress)

Lamberto Avellana Award (posthumous):
Juanito Clemente (sound engineer)

'Love Me Again' nina Angel at Piolo hahataw na  

Posted by budzhot

Maligayang-maligaya sina Angel Locsin at Piolo Pascual dahil ang kanilang pinagtatambalang pelikula na 'Love Me Again (land down under) ay ang unang salvo ng Star Cinema sa taong ito. Nauna ng nagpremier ang naturang pelikula sa Los Angeles at San Francisco, USA na siya ring kauna-kaunahan sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino na unang magpremier sa labas ng bansa.

Ito ang kauna-unahang pelikula ni Angel Locsin sa Star Cinema mula nang lumipat siya sa bakuran ng Kapamilya network. Kaya naman laking tuwa niya sa naturalng film outfit na mabigyan ng ganitong kalaking proyekto.

Ang naturang pelikula ay kinunan sa magagandang tanawin ng Bukidnon at Darwin, Australia sa direksyon ni Rory B. Quintos. Mapapanood na ang pelikula sa inyong mga paboritong sinehan nationwide simula January 15, 2009.


Charice gagawa na ng 1st international album  

Posted by budzhot

Sa wakas mag-uumpisa ng magrecording si Charice ngayong buwan na ito sa kauna-unahan niyang international album. Natural produced ito ni David Foster na marami na ring pinasikat na mang-aawit at ito ay under Warner Bros. Balak ng management na ipapalabas ito bago siya sumapit sa edad na 17.

Bali-balita ring malamang mapasama siya sa inauguration ni president-elect Barack Obama sa pag-upo nito sa White House sa katapusan ng buwang ito. Aba malay natin, e alam nyo naman malakas ang backer ni Charice na walang iba kundi si Oprah Winfrey na malaki rin ang naitulong sa pagkapanalo ni Obama sa eleksyong pangpanguluhan sa Amerika.

Sa mga hindi pa nakakaalam, wala ng kontrata si Charice sa ABS-CBN at ang humahawak sa kanyang career ngayon ay sina David Foster at Oprah Winfrey. Pero aniya, kapag nandito siya sa Pinas ay ang Kapamilya network pa rin ang home based niya bilang pagtanaw ng utang na loob sa naturang estasyon.

Ama ni Ai-Ai delas Alas pumanaw na  

Posted by budzhot

Lubos na sana ang kaligayahan ni Ai-Ai delas Alas dahil tumabo sa takilya ang pelikula niyang 'Ang Tanging Ina Ninyong Lahat' mula sa Star Cinema. Subalit nabahiran ito ng lungkot dahil pumanaw na ang kanyang tunay na ama na si Rosendo delas Alas, 88, na namatay dahil sa atake sa puso noong Disyembre 31, 2008.

Hindi masyadong close si Ai-Ai sa tunay niyang magulang dahil pina-ampon siya sa kay Justa na kapatid ng kanyang ama.

Ang kanyang ama ay labas-masok sa ospital bago ito binawian ng buhay.

Cristine Reyes humataw noong 2008  

Posted by budzhot

Hindi pinagsisihan ni Cristine Reyes ang paglipat nito sa Kapamilya network dahil maganda naman ang itinakbo ng karir nito noong nakaraang taon. Naipamalas niya ang angking-galing sa pag-arte sa soap operang Iisa Pa Lamang na pinagbibidahan noon nina Jericho Rosales at ang sikat na Malaysian actress na si Carmen Soo.
Sa ngayon, mas lalong napansin ang kanyang akting sa pinagbibidahan niyang soap opera na Eva Fonda na napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Marami ang pumupuri sa kanyang  napakahusay na pagganap bilang Eva. Naway tuloy-tuloy na ang pagsipa ng karir nito sa taong 2009.

Maligayang Bagong Taon mula sa Pinoy-E!  

Posted by budzhot

Taos-puso po akong bumabati sa inyo ng Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat sa mga masugid kong mambabasa dito sa Pinoy-E! Bagamat bago lang itong entertainment blog na ito pero ako poy nagagalak at marami na rin po ang sumusubaybay at bumabalik dito upang makibalita sa larangan ng showbiz.

Nawa po ngayong bagong taon ay magsama-sama pa rin tayo sa panibagong simula lalung-lalo na sa mga bagong kaganapan sa mundo ng showbiz. Huwag po kayong mag-alala at ihahatid ko sa inyo ang mga maiinit na balita at pawang pinag-uusapan sa showbiz.

Marami pong salamat. Happy New Year!!!