Journey, magtatanghal sa Pinas  

Posted by budzhot

Matapos ang mahigit na limampung matagumpay na konsyerto noong nakaraang taon sa iba't-ibang panig ng America at Europa ay muling magkakaroon ng konsyerto ang American rock band na Journey.

Sa taong ito ay lilibutin naman nila ang ilang bahagi ng Asya kaugnay ng kanilang Asian Tour. At isa na nga rito ang Pinas na kanilang pagtatanghalan. Unang pagkakataon  nilang magconcert rito sa ating bansa mula ng sila'y sumikat noong dekada '80.

Bukod diyan, ang pinaka espesyal siyempre ay dahil ang kanilang bagong bokalista ay isang purong Pinoy sa katauhan ni Arnel Pineda. Pinalitan ni Arnel ang sikat at nagpatanyag sa Journey na walang iba kundi ang bokalista nila noon na si Steve Perry.

Gaganapin ang konsyerto ngayong darating na Marso 14, 2009 sa Mall of Asia concert ground sa ganap na 8:00 ng gabi. Ang mga panatiko ng Journey ay makakaasang kakantahin nila ang kanilang pamosong awitin tulad ng 'Open Arms, 'Faithfully', Don't Stop Believin' at ilan sa mga kanta mula sa kanilang pinakabagong album na 'Revelation' na nagkamit ng Platinum status sa bansang Amerika.

Narito ang Journey 2009 Tour Dates

Tokyo, Japan - March 9th, 2009

Nagoya, Japan - March 10th, 2009

Osaka, Japan - March 11th, 2009

Manila, Philippines - March 14th, 2009

Macau, China - March 20th, 2009

Maui, Hawaii - March 24th, 2009

Honolulu, Hawaii - March 26th, 2009

Kona, Hawaii - March 28th, 2009

Bang Your Head Festival, Germany - 26th-27th June

This entry was posted on Friday, March 06, 2009 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments