Cory Vidanes, bagong head ng Channel 2  

Posted by budzhot

Hinirang ng ABS-CBN Broadcasting Corp. ang ABS-CBN Head of Entertainment Production Cory Vidanes bilang bagong pinuno ng Channel 2 Mega Manila epektibo nitong Marso 18. Siya ngayon ang mamamahala sa mga programa ng istasyon, pagpapalago ng artista, on-air operations, at pangkalahatang kita ng Channel 2 sa Mega Manila.
Si Vidanes ay naging ABS-CBN Head of Entertainment Production simula noong 1996. Sa kanyang pamumuno, naging popular ang mga soap operang tulad ng "Mara Clara" at "Mula sa Puso". Siya rin ang dahilan kung bakit naging tanyag ang isang kontrabida tulad ni "Madame Claudia" (Pangako Sa'yo) at bumuo ng bankable love teams tulad nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual, at Claudine Barreto at Rico Yan.

Nagtapos si Vidanes ng Communication Arts sa Ateneo de Manila University. Nagsimula ang kanyang career sa telebisyon sa BBC-2 noong 1982 at pumasok sa ABS-CBN noong 1986 bilang Associate Producer.

This entry was posted on Saturday, March 21, 2009 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments