Pagkatapos ng 81st Oscar Awards ay nagkaroon ng Oscar after-party sa pangunguna ni Leeza Gibbons at David Foster sa Mr.Chow restaurant. At siyempre dahil alaga ni David si Charice kaya andoon rin ang batang singer.
Kumanta si Charice ng 'Listen' at 'I Will Survive' sa gabing iyon. At ang pinaka-highlight e yong kinanta niya ang 'Fingerprint', original na composition na kasama sa una niyang international album.
Nagustuhan ko yong kanta, at mapapaindak ka rin sa tempo. Kaya lang nung bandang kalagitnaan na si Charice sa pagkanta nag skipped ang Disc kaya pinaulit si Charice. Nagloko na naman ulit sa pangalawang pagkakataon. Kaya hindi na niya nakanta ng buo ang 'Fingerprint'.
Marami ngayon ang naglalabasang mga argumento kung sinadya nga ba talaga yon ni David Foster na mangyari ang ganung eksena para mas lalong ma-excite ang mga fans ng bata? O di naman kaya sadyang nagkaroon lang talaga ng technical glitches. Sa mapapanood nyong video makikita nyo na nabigla rin si Charice sa nangyari. Pero ganun pa man 'the show must go on', ika nga. May sabotahe nga bang nangyari? Ano ang masasabi nyo?
Narito ang video:
This entry was posted
on Tuesday, February 24, 2009
and is filed under
Charice
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
Categories
Archives
-
▼
2009
(35)
-
▼
February
(13)
- Charice, sinabotahe nga ba sa nakaraang Oscar afte...
- Audition schedules para sa Pinoy Big Brother 3 at ...
- Jommy Teotico, wagi sa Pinoy Fear Factor
- Angel Locsin bida sa remake ng Only You
- Presidente ng ABS-CBN imbitado sa 81st Oscar Awards
- Chris Brown nambugbog!
- Sarah at John Loyd handa ng magpapakilig ngayong F...
- Pop Icons, manghaharana sa Araneta
- Angel at Piolo, cover ng Cosmopolitan Feb 2009 issue
- MYMP ganap ng Kapamilya
- Bagong mukha ang magbibida sa remake ng Rosalinda
- Journey kumanta sa Superbowl
- Rhian, makakatambal muli si RG
-
▼
February
(13)
2 comments