Charice, sinabotahe nga ba sa nakaraang Oscar after-party?  

Posted by budzhot

Pagkatapos ng 81st Oscar Awards ay nagkaroon ng Oscar after-party sa pangunguna ni Leeza Gibbons at David Foster sa Mr.Chow restaurant. At siyempre dahil alaga ni David si Charice kaya andoon rin ang batang singer.

Kumanta si Charice ng 'Listen' at 'I Will Survive' sa gabing iyon. At ang pinaka-highlight e yong kinanta niya ang 'Fingerprint', original na composition na kasama sa una niyang international album.

Nagustuhan ko yong kanta, at mapapaindak ka rin sa tempo. Kaya lang nung bandang kalagitnaan na si Charice sa pagkanta nag skipped ang Disc kaya pinaulit si Charice. Nagloko na naman ulit sa pangalawang pagkakataon. Kaya hindi na niya nakanta ng buo ang 'Fingerprint'.

Marami ngayon ang naglalabasang mga argumento kung sinadya nga ba talaga yon ni David Foster na mangyari ang ganung eksena para mas lalong ma-excite ang mga fans ng bata? O di naman kaya sadyang nagkaroon lang talaga ng technical glitches. Sa mapapanood nyong video makikita nyo na nabigla rin si Charice sa nangyari. Pero ganun pa man 'the show must go on', ika nga. May sabotahe nga bang nangyari? Ano ang masasabi nyo?

Narito ang video:

This entry was posted on Tuesday, February 24, 2009 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

2 comments

Anonymous  

hindi naman sabotahe yon. sinadya talaga yon ni David.. e hindi pa nilalabas ang album niya kaya i'm sure patikim kumbaga

Anonymous  

Naiinis ako sa DJ na yan bakit tumalon ang CD. Sayang mapapakinggan ko na sana ng buo ang kanta. Ingat ka lagi Charice. Bitin talaga ako.. :( I wanna hear the full version now...