Isa sa mga paborito kong mang-aawit sa ating bansa ay si Erik Santos. Nung unang nagkaroon siya ng album ay bumili ako at sa kabutihang palad ay nakita ko rin siya sa personal at nakamayan pinirmahan ang binili kong album kalakip ng kanyang poster.
Ngayon malayo na ang kanyang narating bilang mang-aawit. Pumirma ulit siya ng panibagong kontrata sa Star Records at kaakibat nito ay ang recording niya sa U.S.
At ang maganda pa nito ay may collaboration siya with Jim Brickman, ang international singer/composer.
"First time na gagawin ko yun, sa studio talaga sa U.S., para lang sa susunod kong album. Lilipad kami sa States by last week of April, or first week of May, para harapin yung recording doon.
"It will be a collaboration with Jim Brickman. Just the mere thought of it excites me, hindi ko ma-explain ang feeling. Kasi Jim Brickman is special to me, lalo na sa influence niya sa music ko. Fan ako ng songs niya. Hindi ko naisip na ire-record ko pala ang mga kanta niya in the future, and he will be there para sa arrangements at pagtugtog sa piano,"
Mismong sa studio ni Jim Brickman namin tatrabahuin yung recording. Hopefully, pati yung music video para sa ilang kanta, sa U.S. na namin mai-shoot. Grateful ako sa Star Records at binigyan nila ako ng ganitong opportunity. Mahirap kalimutan ito," pagwawakas ni Erik sa kanyang interview.
This entry was posted
on Friday, March 27, 2009
and is filed under
Showbiz
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
3 comments