Hindi pinagsisihan ni Cristine Reyes ang paglipat nito sa Kapamilya network dahil maganda naman ang itinakbo ng karir nito noong nakaraang taon. Naipamalas niya ang angking-galing sa pag-arte sa soap operang Iisa Pa Lamang na pinagbibidahan noon nina Jericho Rosales at ang sikat na Malaysian actress na si Carmen Soo.
Sa ngayon, mas lalong napansin ang kanyang akting sa pinagbibidahan niyang soap opera na Eva Fonda na napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Marami ang pumupuri sa kanyang napakahusay na pagganap bilang Eva. Naway tuloy-tuloy na ang pagsipa ng karir nito sa taong 2009.
This entry was posted
on Saturday, January 03, 2009
and is filed under
Showbiz
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
4 comments