One True Love, flop nga ba?  

Posted by budzhot

Ang tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay ang sinasabi nilang pinaka-hottest loveteam ngayon. Top raters ang kanilang dalawang teleseryeng pinagbidahan. Nauna na rito ang Marimar at sumunod naman ang Dyesebel.

Dahil sa kasikatan ngayong tinatamasa nitong dalawa ay naisipan ng GMA Films na dalhin ang kanilang tambalan sa pinilakang-tabing. At nabuo nga ang pelikulang One True Love na kasalukuyan ngayong napapanood sa mga sinehan. Co-produced din ito ng Regal Films na pagmamay-ari ni Mother Lily Monteverde.

Subalit, totoo nga kayang tumabo sa takilya ang naturang pelikula? May lumabas na mga balita na umabot sa P100 milyon ang kinita nito sa loob ng isang linggong pagpapalabas sa mga sinehan.

Pero malinaw sa inilabas na figure ng boxofficemojo, ang opisyal na talaan ng kita ng mga pelikulang ipinapalabas sa buong mundo ay lumalabas mula Nov. 19-23, 2008, ang One True Love ay kumita lamang ng P32,975.234.2 o $659,828.

Kaya naman, sa nasabing resulta, ayon sa kolumnistang si Lolit Solis ang susunod nilang teleserye ay huli na nilang pagtatambal. Hindi naman kaya magagalit ang mga die-hard fans nina Marian at Dingdong sa naging desiyon ng Kapuso network?

This entry was posted on Friday, November 28, 2008 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments