Land Down Under, unang mapapanood sa US  

Posted by budzhot

Dumating na sina Angel Locsin at Piolo Pascual sa bansa matapos ang dalawang linggong pagsho-shooting sa Darwin, Australia para sa kanilang pelikulang pinamagatang Land Down Under. Subalit aalis rin sila agad para sa world premier sa Amerika.

Unang pelikula ito ni Angel Locsin sa Star Cinema simula nang lumipat siya sa Kapamilya network. Ito rin ang unang pagtatambal nila ni Piolo Pascual sa pinilakang-tabing.

Unang masisilayan ang pelikulang Land Down Under sa Amerika kung saan magkakaroon ito ng world premier sa Los Angeles ngayong Dec. 06, at Dec. 07 naman ay sa San Francisco Bay Area (Redwood) bago ito ipapalabas sa Pinas sa unang bungad ng taong 2009.

This entry was posted on Monday, November 24, 2008 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

1 comments

Anonymous  

Astig ah! Mauuna pa ang US kesa sa Pinas. Teka, palabas din yata ang OTL sa US.. Sino kaya ang mananalo hahaha