Ang tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay ang sinasabi nilang pinaka-hottest loveteam ngayon. Top raters ang kanilang dalawang teleseryeng pinagbidahan. Nauna na rito ang Marimar at sumunod naman ang Dyesebel.
Dahil sa kasikatan ngayong tinatamasa nitong dalawa ay naisipan ng GMA Films na dalhin ang kanilang tambalan sa pinilakang-tabing. At nabuo nga ang pelikulang One True Love na kasalukuyan ngayong napapanood sa mga sinehan. Co-produced din ito ng Regal Films na pagmamay-ari ni Mother Lily Monteverde.
Subalit, totoo nga kayang tumabo sa takilya ang naturang pelikula? May lumabas na mga balita na umabot sa P100 milyon ang kinita nito sa loob ng isang linggong pagpapalabas sa mga sinehan.
Pero malinaw sa inilabas na figure ng boxofficemojo, ang opisyal na talaan ng kita ng mga pelikulang ipinapalabas sa buong mundo ay lumalabas mula Nov. 19-23, 2008, ang One True Love ay kumita lamang ng P32,975.234.2 o $659,828.
Kaya naman, sa nasabing resulta, ayon sa kolumnistang si Lolit Solis ang susunod nilang teleserye ay huli na nilang pagtatambal. Hindi naman kaya magagalit ang mga die-hard fans nina Marian at Dingdong sa naging desiyon ng Kapuso network?
Sa pinirmahang kontrata ni LT, gagawa siya ng dalawang teleserye at dalawang pelikula sa Star Cinema, ang movie outfit ng ABS-CBN.
Nagpaalam naman daw siya aniya sa GMA-7 sa kaniyang pag ober da bakod. Habang hindi pa nagsisimula ang nakatakdang proyektong gagawin nito ay pagkaka-abalahan muna niya ang launching ng album niya ang HOPE 2 na kinapapalooban ng mga batikang singers ngayon.
Inaasahang sina Gabby Concepcion at Albert Martinez ang makakasama niya sa unang teleseryeng gagawin niya sa Dos. Hangad niya ring makatrabaho sina Piolo Pascual, Claudine Barreto, Angel Locsin, John Loyd Cruz, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.
Pumirma na ng kontrata sa Star Cinema si Batangas Gov. Vilma Santos kasama ang mga big bosses ng ABS-CBN kaninang tanghali. Nakapaloob sa kontrata na gagawa siya ng pelikula para kay John Loyd, merong ding pelikula na pagsasamahan ng kanyang anak na si Luis Manzano, at isang pelikula na pagtatambalan nila ni Megastar Sharon Cuneta.
Ayon pa kay Ate V, mag-uumpisa na silang magshooting ng two days sometimes in December at magre-resume sa Pebrero sa susunod na taon. May playdate na rin ito sa September 2009 na maipapalabas. Si Olivia Lamasan ang magiging direktor nito.
Wala naman daw problema sa mga constituents niya sa Batangas dahil aprubado aniya ang kanyang paggawa ng pelikula at sabik na rin sila umanong mapanood muli si Ate V sa pinilakang-tabing.
Matatandaang dinadawit ang pangalan ni Bea sa hiwalayan at bugbugan nina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo. Wala pang eksaktong araw kung kelan nila sisimulan ang taping ng naturang pelikula mula sa Star Cinema.
Samantala, gabi-gabi nyo pa ring mapapanood ang tambalan nina Bea at John Loyd sa comedy series na I Love Betty La Fea sa ABS-CBN primetime bida.
Unang pelikula ito ni Angel Locsin sa Star Cinema simula nang lumipat siya sa Kapamilya network. Ito rin ang unang pagtatambal nila ni Piolo Pascual sa pinilakang-tabing.
Unang masisilayan ang pelikulang Land Down Under sa Amerika kung saan magkakaroon ito ng world premier sa Los Angeles ngayong Dec. 06, at Dec. 07 naman ay sa San Francisco Bay Area (Redwood) bago ito ipapalabas sa Pinas sa unang bungad ng taong 2009.
Naisip ko lang kanina, nasan na kaya si Cedie ang batang prinsipe. Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Tom Taus na kapatid ni Antoinette Taus. Hindi na kasi siya visible ngayon sa showbiz. E huli ko siyang napanood doon sa pelikulang Anak ng Bulkan na nagkaroon ng international version at nakasama niya doon si Mark Dacascus.
Kaya hinalughog ko siya sa world wide web at laking gulat ko sa aking nakita.
Ngayon
Nakakatuwa naman at nag-guest si Arnel Pineda sa ASAP 08 kanina. Nagduet sila kanina ni Gary V, kaya lang hindi kinanta ni Arnel ang mga kanta ng Journey kung saan siya na ang bokalista nito. Bawal kasi siyang kumanta ng mga ganung kanta kapag di niya kasama ang buong grupo.
Ayon kay Arnel kanina, mag-uumpisa ang kanilang Asian tour dito sa Pinas ngayong Marso sa susunod na taon. Sinabi naman ni Gary V, na madalas na siyang mapapanood sa ASAP 08 habang naririto pa siya sa Pinas. Kaya for the meantime Kapamilya muna si idol. Magandang exposure din yon para sa kanilang album na bumenta ng todo sa Amerika at top rater sa Billboard charts. Isang paraan rin ito upang mas lalong makilala ang Journey sa nalalapit nilang concert dito sa Pinas.
Ang grupong Journey ay binubuo nina Neal Schon, Jonathan Cain, Ross Valory at Deen Castronovo. Sumikat ng husto ang bandang Journey noong si Steve Perry pa ang kanilang bokalista.
Samantala, malapit ng maisakatuparan ni Arnel Pineda na makatulong sa ating mga kababayan lalong-lalo na ang mga mahihirap na mga bata. Binubuo na niya ngayon ang Arnel Foundation, sa mga nais malaman ang karagdagang detalye ukol sa naturang foundation. Maari nyo pong bisitahin ang opisyal na site ni Arnel DITO.
Via unanimous decision, pinaboran si Cuate ng mga hurado 80-70, 78-72 and 77-73 upang maipanalo niya ito.
O pano Rey, hanggang sa muli mong laban. Bata ka pa naman marami pang pagkakataon na masungkit ang inaasam mong titulo.
Si Ram Sagad ang pangalawang natanggal sa Segunda Ronda Eliminacion sa Pinoy Fear Factor na napapanood sa primetime bida ng ABS-CBN.
Hindi naman daw siya aniya nagsisisi sa pagsali sa PFF bagkus nagpapasalamat pa siya nito sa programa dahil napaglabanan niya ang fear of height.
Nakakainis talaga, inuubo na naman ako sa ngayon. Para na akong aso nito tahol ng tahol lalo na kapag naka-inom ako ng malamig na tubig.
Kaya naman pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga posibleng sakit na maari nilang makuha bunsod nang inaasahang unti-unting paglamig ng panahon ngayon dahil sa nalalapit na Kapaskuhan.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), karaniwang sakit na maaaring makuha tuwing malamig ang panahon ay ang ubo at sipon. Tatagal ang malamig na panahon hanggang Pebrero.
Narito naman ang kabuuang video ng pagbisita ni Charice sa GMA.
Oops! Hindi pa nagtatapos dyan. Isa rin ito sa kinanta niya sa Good Morning America. Ang bagong version ni Charice ng pamosong kantang "I Will Survive" na binigyan ng bagong areglo ni David Foster.
See for yourself the new version of I Will Survive by Charice...
Samantala, kumpirmado ng siya ang gaganap na Vivian sa gagawing remake ng Lovers in Paris ng ABS-CBN. At ang mapalad na makakapareha niya rito at gaganap na Carlo sa naturang Koreanovela remake ay walang iba kundi si Sam Milby.
Nagkaroon na sila ng pagkakataon na magsama noon sa pamamagitan ng MMK. Tingin ko naman may chemistry din naman silang dalawa.
Ang STAGES ang namamahala ngayon sa karir ni Karylle at ayon pa sa kanila ang napipintong paglipat niya sa ABS-CBN ay isang career move at maganda naman daw ang magiging exposure nito sa naturang network.
Dati ko pang naririnig o nababasa sa mga pahayagan na lilipat si Diet sa kabilang bakod pero ngayon lang talaga nangyari.
Nagpa-alam naman daw siya sa mga big bosses ng ABS-CBN sa kanyang pag ober da bakod.
Huling napanood sa Kapamilya network si Diet sa katatapos lamang na teleseryeng "Iisa Pa Lamang" na kinatatampukan nina Claudine Barreto, Gabby Concepcion, Susan Roces at iba pa.
Balitang gagawa si Diet ng pelikula sa GMA Films, ang movie outfit ng Kapuso network at magkakaroon rin daw siya ng hosting job.
Si Gail Nicolas ang kauna-unahang participante na natanggal sa Una Ronda Eliminacion sa kasalukuyang pinapalabas na Pinoy Fear Factor sa ABS-CBN.
Pasaway din naman kasi itong si Marianna, ang manikang dapat iligtas ni Gail sa isang stunt. Ayaw matanggal ni Marianna parang sumabit sa upuan.
Pinauwi kaagad si Gail sa Pinas pagkatapos niyang matanggal sa naturang reality show.
Pero sa mga fans ni Gail mapapanood nyo na siya gabi-gabi sa Dyosha.
Kunting background lang kay Gail, nanalo siya ng Mossimo Bikini Summit noong 2007. Covergirl din siya ng FHM magazine at isang commercial model. Goodluck sa bagong career mo Gail.
Isa sa pinaka hot item ngayon ay ang break-up nina Sam Milby at Anne Curtis. Ano nga ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay? Magkakabalikan pa kaya sila?
Kahapon sa The Buzz ay sumalang si Sam Milby sa Tough 10 Questions na itinanong ni Boy Abunda.
Narito ang Tough 10 questions:
Tough 10: Guwapo ka, talented, matalino, what is it that you don't have?
Time with my family. Siyempre ‘andoon pa sila sa States. We don't get to talk that much so more time with my family. That's really what I don't have.
Tough 9: Piolo (Pascual), Sam (Milby), John Lloyd (Cruz), sino ang No. 3, No. 2, at No. 1?
I would say Piolo, No. 1, John Lloyd, No. 2, Sam Milby, No. 3.
Tough 8: Sa mahigit isang taon na magka-relasyon kayo ni Anne (Curtis), were you faithful?
I have been. Very faithful.
Tough 7: Sa mahigit isang taon na magkasama kayo, ilang beses kang umiyak?
Many times, actually. At least four. Actually, I think it's even more than that. There are a lot of things that happened sa relationship and, of course, both sides we always... basta and, bakit, ayoko kong i-elaborate kung bakit. Sa amin na lang.
Tough 6: Bakit naging cause ng break-up niyo ni Anne ang paghahanap ng spiritual direction?
First and foremost, I respect everything she said and I really don't want to sound religious... I am working my relationship with God and. But, I don't want to sound religious, I don't want to sound self-righteous, the thing is there are things about us individually that we need to work on as individuals; that we can't do together.
Tough 5: Can't you and Anne find God together?
I did put a lot of thought into that, too, but like I said I know it's really hard and most people won't understand... we can't help each other in that aspect and the thing is if you put God first and if you trust in God, you know, He'll bring her back. He'll give you want you want.
Tough 4: Habang nasa Europe ka daw at ipinapalabas ang interview kay Anne sa True Confessions last week, umiiyak ka nga ba? Bakit?
Actually, she texted me before 'yong interview... even afterwards she said, 'Yeah, I couldn't stop crying.' I was affected but I didn't cry. I was affected.
Tough 3: May balak ka bang balikan si Anne?
I do. You can't take away how you feel, it's still there. So, yes.
Tough 2: Sino si Rufa Mae Quinto sa buhay mo ngayon?
I found it so funny she was even brought up. We never hanged out. The last time I saw her 'yong "Voices" concert namin sa Manila Hotel. And then afterwards we were talking and she was making kuwento, 'I wanna build a house. I'm looking for an architect.' 'You should see my house. My house is very, very good.' and then she said, 'Well, actually, your house is just on my way home. Can I just stop by and see the house?'
'Yon lang she stopped by to see the house. That was it.
Tough 1: May balak ka bang ligawan si KC Concepcion?
Wala akong balak to court her. Actually, I want to apologize to KC and I didn't know why she was brought up into the situation with Anne and I... sorry.
Categories
Archives
-
▼
2008
(32)
-
▼
November
(19)
- One True Love, flop nga ba?
- JC Tiuseco, the 'Hardcourt Heartthrob"
- Lorna Tolentino balik Kapamilya na
- Gov. Vilma Santos, pumirma na ng kontrata sa Star ...
- Bea Alonzo, may bagong pelikulang gagawin
- Manuel Chua Jr, binura ang record ng Hungary
- Land Down Under, unang mapapanood sa US
- Kaw ba yan Cedie?
- Arnel Pineda Kapamilya na rin
- Talo si Boom-Boom
- Ram Sagad, tanggal na sa Pinoy Fear Factor
- Karolina Kurkova, pinakaseksing babae sa buong mundo
- Ubo uso ngayong pasko!
- Charice kumanta sa GMA
- Angel Locsin, ang bagong Vivian
- Karylle, masayang lilipat sa Kapamilya
- Diether Ocampo, Kapuso na
- Gail Nicolas, unang pinauwi sa Pinas
- Sam balak balikan si Anne
-
▼
November
(19)