Anne Curtis itinanghal na Best Actress ng MMFF '08  

Posted by budzhot

Nanalo ng Best Actress si Anne Curtis para sa pelikulang Baler sa katatapos lamang ng awards night ng 34th Metro Manila Film Festival noong Sabado. Ang naturang pelikula ay pinagtatambalan nila ni Jericho Rosales sa ilalim ng produksyon ng Viva Films.

Narito ang buong listahan ng mga nanalo:

Best Picture:
Baler

Best Director:
Mark Meily (Baler)

Best Actress:
Anne Curtis (Baler)

Best Actor:
Christopher De Leon (Magkaibigan)

Best Screenplay:

Baler

Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award:
Baler

Best Supporting Actress:

Manilyn Reynes (One Night Only)

Best Supporting Actor:

Philip Salvador (Baler)

2nd Best Festival Picture:
Tanging Ina N’yong Lahat

3rd Best Festival Picture:
Iskul Bukol 20 Years After

Best Cinematography:
Lee Meily (Baler)

Best Production Design:
Aped Santos (Baler)

Best Editing:
Danny Anonuevo (Baler)

Best Visual Effects:
Robert Quilao (Dayo: Sa Mundo ng Elementalia)

Best Musical Score:
Jessie Lasaten (Dayo: Sa Mundo ng Elementalia)

Best Theme Song:
“Lipad” by Jessie Lasaten and Artemio Abad Jr.,
performed by Lea Salonga (Dayo: Sa Mundo ng Elementalia)

Best Sound:

Albert Idioma and Wally Dellosa (Dayo: Sa Mundo ng Elementalia)

Best Original Story:
Jose Javier Reyes (One Night Only)

Best Child Performer:
Robert Villar (Shake, Rattle, and Roll X)

Best Make-up:
Noli Villalobos (Desperadas 2)

Twilight, magkakaroon ng Pinoy version  

Posted by budzhot

Nabigla ako nang malaman ko na ang ABS-CBN ang nakakuha ng rights sa top grossing film na Twilight upang i-remake bilang TV series. Binili ng Kapamilya network sa halagang isang milyong dolyar at co-produced nila dito ang Ignite Media.

Ayon sa ulat, si Shaina Magdayao ang gaganap sa papel ni Isabella Swan at si Rayver Cruz naman ang gaganap sa papel ni Edward Cullen, sa direksyon ni Cathy Garcia Molina. Inaasahang mag-uumpisa ng magtaping ngayong darating na Pebrero sa susunod na taon.
Subalit marami ang nadismaya sa ginawa ng ABS-CBN dahil anila mabababoy lamang kung i-reremake nila ito. Wala raw kakayahan ang naturang istasyon lalo na sa larangan ng special effects. Kahit ako man ay di alam kung anong klaseng atake ang gagawin ng Kapamilya network upang mapaganda ito at kaaya-ayang panoorin.

Abangan na lang natin ang susunod pang kabanata ukol sa pinaka-ambisyosong remake sa kasaysayan ng telebisyon ng Pilipinas.

Michael Jackson, walang malubhang sakit  

Posted by budzhot

Mariing pinabulaan ng kampo ng King of Pop Michael Jackson na malubha ang karamdaman nito at kailangang magpatransplant ng baga. Wala ng dapat ikabahala ang mga malalapit na kaibigan at mga fans nito dahil nasa maayos pa rin ang kondisyon nito.

Ang tanging sakit niya lamang ay ang Vitiligo (sakit sa balat). At isa na rin dito ang pagiging adik sa pain killer.

Samantala, napanod ko sa NRJ Awards 2008 at meron silang tribute para kay Michael Jackson. Sinabi nito na hindi pa rin siya tumitigil sa kanyang pasyon ang pagkanta. Sa katunuyan, malapit ng lumabas ang bago niyang album. Kaya sa mga fans ni Jacko abangan nyo na lang at malapit na siyang bumalik.

Arnel Pineda, rumaraket mag-isa  

Posted by budzhot

Marami ngayong naghihimutok na mga hardcore na Journey fans dahil nabalitaan nilang magkakaroon ng shows sa US si Arnel Pineda kasama si Lani Misalucha sa susunod na taon bago ang World Tour ng grupo nito.

Hindi pa raw panahon ito para makitang magsolo si Arnel at wala ang kaniyang kagrupo. Okey lang daw sana kung sa Pinas siya rumaket ng solo pero iba na raw ang usapan kapag nasa US na.

Ang sabi e guest lamang siya nito ni Lani Misalucha at kakanta lamang ng dalawang kanta. At hindi nya rin pupwedeng kantahin ang mga awiting pinasikat ng grupo. Kaya naman kasi nakansel ang huling mga concert nila nitong taon ay dahil na rin sa kalusugan ni Arnel kaya minarapat ng management ng Journey na magpahinga na sila.

Sabihin na nating hindi ganun kalaki ang talent fee ni Arnel kumpara sa mga kasama niya kaya siya rumaraket. Dahil nga sa mabango ang kanyang pangalan ngayon ay tinanggap niya ang raket na yan. Pero siyempre para sa akin, iba ang dating. Mas gugustuhin kong makita siya na kasama ang buong grupo habang nagpeperform. Saka na siya rumaket mag-isa kapag tapos na ang kanyang kontrata sa grupo. Nakakontrata siya ng 3 taon bilang bokalista ng bandang Journey.

Narito ang mga schedule na pwede ninyong mapanood sina Arnel Pineda at Lani Misalucha.

Jan. 30 - Anaheim
Jan. 31 - San Jose
Feb. 1 - San Diego
Feb. 6 - Chicago
Feb. 8 - New Jersey

Sinapawan nga ba ni Charice si Arnel Pineda?  

Posted by budzhot

Matagal ko ng inaasam na makitang mag duet ang dalawang pinakamagaling na mang-aawit ng ating bansa at kinikilala ng buong mundo. Ang tinutukoy ko ay sina Charice at Arnel Pineda.

Naganap ang kanilang duet kahapon sa ASAP 08 ng ABS-CBN. Kinanta nilang dalawa ang "Alone" na pinasikat ng bandang Heart.

Subalit laking dismaya ko dahil hindi ganun kaganda ang kinalabasan ng kanilang duet. Mukhang todo birit itong si Charice na nawala sa tono at tila bagang nais nitong sapawan si Arnel Pineda.

Baka sabihin nyo sinisiraan ko si Charice, hindi naman sa ganun. Yon lang talaga ang napapansin ko at hindi umayon sa pandinig ko. Sana mapagtanto ni Charice na hindi kailangan bumirit ng bumirit para sabihing magaling.

Para sa akin ang kantang Alone ay mas maganda sa isang solo performance lamang.

Ganunpaman, nawa'y magbigay pa kayo ng karangalan sa ating bansa. Narito ang video ng kanilang duet:

Katrina Halili at Hayden Kho sex video scandal?  

Posted by budzhot

Kumpirmado ng hiwalay ang magkasintahang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Ang 3 taong relasyon ay nauwi rin sa wala matapos umanong madiskubre ni Belo na nagtaksil sa kanya ang kanyang minamahal na nobyo.

Napanood daw umano ni Belo sa laptop ni Hayden ang mga malalaswang eksena na sangkot ang Duktor. Iba't-ibang mga babae at ilang mga celebrities na nakatalik nito.

Sangkot umano sina Rufa Mae Quinto at Katrina Halili sa paghihiwalay nila ng Duktor pero itinanggi naman ito ni Rufa Mae. Samantala, isa nga sa naturang sex scandal ay ang pagtatalik umano nina Katrina Halili at Hayden Kho. Sinasabi ng mga malalapit na kaibigan ni Belo na totoo umanong nagkarelasyon sina Katrina at Hayden na umabot din ng isang taon.

Hindi na raw umano makipagbalikan si Belo kay Hayden dahil sa pagtataksil nito. Tapos na raw ang lahat sa kanila. At hindi na rin makakabalik pa sa Belo Group ang naturang Duktor. Samantala, titigil na raw si Hayden sa pag-aartista at uuwi na lamang ito sa Marinduque kung saan naroroon ang kaniyang mga pamilya.

Angel Locsin, mang-aakit ngayong kapaskuhan  

Posted by budzhot

Pagdating sa paseksihan aba'y hindi magpapatalbog d'yan si Angel Locsin. Kaya nga palagi siyang laman ng mga magazines tulad na lamang ng FHM, Cosmopolitan, Maxim at iba pa.


At ngayon ngang buwan ng kapaskuhan ay aakitin na naman niya tayo ng kanyang alindog. Siya ang covergirl ng Rogue magazine sa buwan ng Disyembre 2008. Ang maganda sa kanya kahit sexy ang mga pictorial nito pero very artistically done at sosyal ang dating.

Mabibili nyo na ang naturang magasin sa inyong mga paboritong magazine store. Grab a copy now.

Dragonball Evolution, handa ka na ba?  

Posted by budzhot

Sa wakas ay mapapanood na rin sa unang parte ng susunod na taon sa pinilakang-tabing ang isa sa mga paborito kong cartoon series, walang iba kundi ang Dragon Ball Z. Maliit pa lamang ako ay nanonood na ako nyan at hanggang ngayon ay napapanood pa rin sa telebisyon ng mga bagong henerasyon.

Mabuti naman at naisipan ng 20th Century Fox na gawan ng pelikula ang naturang sikat na cartoon series. Ang naturang pelikula ay pinamagatang Dragonball Evolution na pinagbibidahan ni Justin Chatwin at ang magiging mortal niyang kalaban ay si Piccolo sa katauhan ni James Marsters. Si James Wong naman ang mapalad ni direktor nito.

Sigurado akong marami na ang naka-abang nito na mapanood at syempre tatabo ito sa takilya. Sa official trailer pa lamang ay mapapamangha ka na. Pero alam kong simula pa lang yan at meron pang susunod na edition.

Narito ang official full trailer ng pelikula:

Marian Rivera, napaiyak sa isang 'Ngiti'  

Posted by budzhot

Mariing pinabulaanan ni Marian Rivera na buntis siya kay Dingdong Dantes sa katatapos lamang ng presscon ng pelikulang Desperadas 2. Nag-ugat ang isyu ng sumalang si Karylle sa Tough Ten Questions ng The Buzz noong nakaraang linggo at tinanong ni Boy Abunda si Karylle kung buntis nga ba si Marian. Subalit isang matamis na ngiti lamang ang binitawan ng dalaga. Kaya naman ikinagalit ito ni Marian at naging emosyonal sa pagharap sa mga press sa naturang presscon.

Samantala, pagkaupo pa lamang ni Marian Rivera sa presidential table ay may biglang nagsabing "Plastikada Ka!" at ikinagulat ito ni Marian. Diumano ang naturang batikang showbiz reporter na si Ernie Pecho ay may personal na galit kay Marian.

Totoo nga kayang buntis si Marian? Abangan ang susunod pang mga kaganapan.

Arnel Pineda, panalo ng 1M  

Posted by budzhot

Kapag ang tao nga naman ay sinuswerte talagang siksik, liglig at umaapaw, ika nga. Yan si Arnel Pineda na nanalo ng isang milyon noong Huwebes ng gabi sa Kapamilya Deal or No Deal na napapanood sa ABS-CBN. Siya ang itinanghal bilang pang labingpitong milyonaryo ng naturang programa.

Nandito siya ngayon sa ating bansa para magbakasyon at makapiling na rin ang kanyang mga mahal sa buhay sa araw ng pasko at sa araw ng mga puso. Nawalay si Arnel ng matagal sa kanyang mga pamilya noong kasagsagan ng US at European Tour ng legendary rock band na Journey na kung saan siya ngayon ang kasalukuyang bokalista.

Naging matagumpay din ang kanilang album na Revelation na Platinum na ngayon at hindi nagpahuli sa US Billboard Charts. Sabi ni Arnel, magkakaroon ulit sila ng panibagong album sa susunod na taon at magkakaroon din ng Asian Tour na mag-uumpisa dito sa Pinas sa darating na Marso.

Samantala, masaya si Arnel Pineda na nailunsad na ang kanyang foundation para sa mga kapus-palad na mga kabataan dito sa ating bansa. Nais nyang makatulong sa mga ito dahil siya rin mismo ay dumanas ng kahirapan noong maliit pa lamang siya. Kaya ngayon nais niyang ibalik ang mga biyayang nakamtan niya sa pamamagitan ng kanyang itinatag na foundation. Sa mga interesadong magdonate ng pera, school supplies, medicines at iba pa. Bisitahin lamang ang opisyal na website ng kanyang foundation DITO.

JC Tiuseco, kauna-unahang Pinoy Sole Survivor  

Posted by budzhot

Si John Carlo "JC" Tiuseco ang tinanghal na kauna-unahang Pinoy Sole Survivor ng Survivor Philippines sa Kapuso network. Ang 23-year-old na basketbolista ang nag-uwi ng P3 milyon.

Nagkatotoo ang hula na si JC nga ang mananalo sa reality show ng GMA-7. Matatandaang ibinulgar ng isang staff ng Kapuso network na si JC nga ang papanalunin nila. Subalit pinabulaan naman ito noon ni Paolo Bediones na siya ring host ng naturang programa.

Manny Pacquiao wagi laban kay Oscar Dela Hoya  

Posted by budzhot

Yahoo! Panalo si Manny 'Pacman' Pacquiao laban kay Oscar Dela Hoya sa katatapos lamang ng laban nila sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada. Bugbog sarado ang mukha ni Golden Boy..hahaha.. Kawawang nilalang.

Umayaw si Oscar sa round eight sa kanilang laban. Mukhang magreretiro na nga yata si Oscar tutal may edad na rin naman ito.

Nadagdagan na naman ang yaman ni Pacman. Iba ka talaga idol... Mabuhay ka at iwinagayway mo muli ang bandila ng Pilipinas.

Tuloy na kaya ang pagsabak ni Pacman sa pulitika sa susunod na eleksyon? Naku, sana wag niyang ituloy maaari naman siyang tumulong kahit wala siyang pwesto sa gobyerno. Congrats idol...

Angel Locsin, ganap ng aktres!  

Posted by budzhot

"Lord, aktres na ako!", yan ang nasabi ni Angel Locsin nang tanggapin niya ang kanyang award bilang Best Actress in a Single Performance sa pagganap niya sa isang episode ng MMK (Maala-ala Mo Kaya) na pinamagatang "Pilat". Ang naturang award ay napanalunan niya sa katatapos lamang na 22nd PMPC Star Awards for Television of 2008 na ginanap sa SMX Convention Center, Mall of Asia.

Samantala, ang pantaseryeng Lobo na pinagtambalan nila ni Piolo Pascual ay nagwagi rin bilang Best Primetime TV Series at Best Actor naman para kay Piolo Pascual.

Sa tingin ko, malaking sugal ang paglipat ni Angel Locsin mula sa bakuran ng GMA-7 tungong ABS-CBN. Dahil aniya, gusto niyang mag-grow bilang artista. Kaya naman hindi nasayang ang paglipat niya dahil sa wakas ay nakamit na niya ang isa sa kanyang ina-asam na mapansin ang kanyang pag-arte sa harap ng kamera.

One True Love, flop nga ba?  

Posted by budzhot

Ang tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay ang sinasabi nilang pinaka-hottest loveteam ngayon. Top raters ang kanilang dalawang teleseryeng pinagbidahan. Nauna na rito ang Marimar at sumunod naman ang Dyesebel.

Dahil sa kasikatan ngayong tinatamasa nitong dalawa ay naisipan ng GMA Films na dalhin ang kanilang tambalan sa pinilakang-tabing. At nabuo nga ang pelikulang One True Love na kasalukuyan ngayong napapanood sa mga sinehan. Co-produced din ito ng Regal Films na pagmamay-ari ni Mother Lily Monteverde.

Subalit, totoo nga kayang tumabo sa takilya ang naturang pelikula? May lumabas na mga balita na umabot sa P100 milyon ang kinita nito sa loob ng isang linggong pagpapalabas sa mga sinehan.

Pero malinaw sa inilabas na figure ng boxofficemojo, ang opisyal na talaan ng kita ng mga pelikulang ipinapalabas sa buong mundo ay lumalabas mula Nov. 19-23, 2008, ang One True Love ay kumita lamang ng P32,975.234.2 o $659,828.

Kaya naman, sa nasabing resulta, ayon sa kolumnistang si Lolit Solis ang susunod nilang teleserye ay huli na nilang pagtatambal. Hindi naman kaya magagalit ang mga die-hard fans nina Marian at Dingdong sa naging desiyon ng Kapuso network?

JC Tiuseco, the 'Hardcourt Heartthrob"  

Posted by budzhot

Ang tinaguriang "Hardcourt Heartthrob", ang 23-year old na basketball player ng San Sebastian University ay walang iba kundi si John Carlo "JC" Tiuseco na taga Manila. Maliit pa lamang siya ay mahilig na siyang maglaro ng basketball at pinangarap niyang maging isang propesyonal na manlalaro. Subalit, natuklasan niyang may ibubuga rin pala siya sa labas ng hardcourt.
Sa itsura pa lang at katawan ni JC hindi malayong maraming kababaihan ang mapapaibig niya. Siya na kaya ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor sa ginaganap ngayong Survivor Philippines ng GMA-7? Pero manalo matalo siguradong malaki ang tsansang magiging artista ito si JC.

Lorna Tolentino balik Kapamilya na  

Posted by budzhot

Balik Kapamilya ulit si Ms. Lorna Tolentino matapos pumirma ng 2-year exclusive contract sa ABS-CBN. Ang huling proyekto ni LT sa Kapamilya ay ang Kay Tagal Kang Hinintay kung saan doon umusbong ang loveteam nina John Loyd Cruz at Bea Alonzo.

Sa pinirmahang kontrata ni LT, gagawa siya ng dalawang teleserye at dalawang pelikula sa Star Cinema, ang movie outfit ng ABS-CBN.

Nagpaalam naman daw siya aniya sa GMA-7 sa kaniyang pag ober da bakod. Habang hindi pa nagsisimula ang nakatakdang proyektong gagawin nito ay pagkaka-abalahan muna niya ang launching ng album niya ang HOPE 2 na kinapapalooban ng mga batikang singers ngayon.

Inaasahang sina Gabby Concepcion at Albert Martinez ang makakasama niya sa unang teleseryeng gagawin niya sa Dos. Hangad niya ring makatrabaho sina Piolo Pascual, Claudine Barreto, Angel Locsin, John Loyd Cruz, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Gov. Vilma Santos, pumirma na ng kontrata sa Star Cinema  

Posted by budzhot

Pumirma na ng kontrata sa Star Cinema si Batangas Gov. Vilma Santos kasama ang mga big bosses ng ABS-CBN kaninang tanghali. Nakapaloob sa kontrata na gagawa siya ng pelikula para kay John Loyd, merong ding pelikula na pagsasamahan ng kanyang anak na si Luis Manzano, at isang pelikula na pagtatambalan nila ni Megastar Sharon Cuneta.

Pero iminungkahi ni Ate V sa Star Cinema na pagsamahin na lang sa isang pelikula sina John Loyd at Luis dahil sa abala nga siya sa trabaho nito bilang Gobernador sa Batangas.
Kaya naman, nabuo ang pelikulang pagsasamahan nilang tatlo na 60% ay kukunan pa sa New York. Discreet gay ang role nila Luis at John Loyd sa naturang pelikula at mayroon din silang kissing scenes. Isang librarian naman ang papel ni Ate V at bilang ina ni Luis.

Ayon pa kay Ate V, mag-uumpisa na silang magshooting ng two days sometimes in December at magre-resume sa Pebrero sa susunod na taon. May playdate na rin ito sa September 2009 na maipapalabas. Si Olivia Lamasan ang magiging direktor nito.

Wala naman daw problema sa mga constituents niya sa Batangas dahil aprubado aniya ang kanyang paggawa ng pelikula at sabik na rin sila umanong mapanood muli si Ate V sa pinilakang-tabing.

Bea Alonzo, may bagong pelikulang gagawin  

Posted by budzhot

Tuloy na tuloy na ang pagsasama sa pelikula nina Bea Alonzo at Derek Ramsay, ang real life boyfriend ni Angelica Panganiban. Makakasama rin sa nasabing pelikula ang isa sa pinaka hottest actor ngayon na si Sam Milby.

Matatandaang dinadawit ang pangalan ni Bea sa hiwalayan at bugbugan nina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo. Wala pang eksaktong araw kung kelan nila sisimulan ang taping ng naturang pelikula mula sa Star Cinema.

Samantala, gabi-gabi nyo pa ring mapapanood ang tambalan nina Bea at John Loyd sa comedy series na I Love Betty La Fea sa ABS-CBN primetime bida.

Manuel Chua Jr, binura ang record ng Hungary  

Posted by budzhot

Taas-noong pinagmamalaki ni Manuel Chua Jr ng Pinoy Fear Factor ang lahing Pilipino dahil na break niya ang record ng Hungary sa slippery car stunts. Nagtala si Manuel ng pinakamabilis na oras sa record na 0.44 segundo samantalang ang world record sa Fear Factor sa naturang stunt ay may talang 3 minuto 7 segundo.
Patindi ng patindi ang mga stunts sa Pinoy Fear Factor habang nababawasan sila isa-isa. Hmm.. sino naman kaya ang susunod uuwi ng Pinas?
Samantala, ligtas na sa eliminasyon ngayong linggong ito sina Manuel, Elmer, LJ at Janna. Ang mga kulelat ay maglaban-laban para sa huling stunts sa Tersera Ronda De Eliminacion.

Land Down Under, unang mapapanood sa US  

Posted by budzhot

Dumating na sina Angel Locsin at Piolo Pascual sa bansa matapos ang dalawang linggong pagsho-shooting sa Darwin, Australia para sa kanilang pelikulang pinamagatang Land Down Under. Subalit aalis rin sila agad para sa world premier sa Amerika.

Unang pelikula ito ni Angel Locsin sa Star Cinema simula nang lumipat siya sa Kapamilya network. Ito rin ang unang pagtatambal nila ni Piolo Pascual sa pinilakang-tabing.

Unang masisilayan ang pelikulang Land Down Under sa Amerika kung saan magkakaroon ito ng world premier sa Los Angeles ngayong Dec. 06, at Dec. 07 naman ay sa San Francisco Bay Area (Redwood) bago ito ipapalabas sa Pinas sa unang bungad ng taong 2009.

Kaw ba yan Cedie?  

Posted by budzhot

Naisip ko lang kanina, nasan na kaya si Cedie ang batang prinsipe. Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Tom Taus na kapatid ni Antoinette Taus. Hindi na kasi siya visible ngayon sa showbiz. E huli ko siyang napanood doon sa pelikulang Anak ng Bulkan na nagkaroon ng international version at nakasama niya doon si Mark Dacascus.

Kaya hinalughog ko siya sa world wide web at laking gulat ko sa aking nakita.


Noon



Ngayon






Arnel Pineda Kapamilya na rin  

Posted by budzhot

Nakakatuwa naman at nag-guest si Arnel Pineda sa ASAP 08 kanina. Nagduet sila kanina ni Gary V, kaya lang hindi kinanta ni Arnel ang mga kanta ng Journey kung saan siya na ang bokalista nito. Bawal kasi siyang kumanta ng mga ganung kanta kapag di niya kasama ang buong grupo.

Ayon kay Arnel kanina, mag-uumpisa ang kanilang Asian tour dito sa Pinas ngayong Marso sa susunod na taon. Sinabi naman ni Gary V, na madalas na siyang mapapanood sa ASAP 08 habang naririto pa siya sa Pinas. Kaya for the meantime Kapamilya muna si idol. Magandang exposure din yon para sa kanilang album na bumenta ng todo sa Amerika at top rater sa Billboard charts. Isang paraan rin ito upang mas lalong makilala ang Journey sa nalalapit nilang concert dito sa Pinas.

Ang grupong Journey ay binubuo nina Neal Schon, Jonathan Cain, Ross Valory at Deen Castronovo. Sumikat ng husto ang bandang Journey noong si Steve Perry pa ang kanilang bokalista.

Samantala, malapit ng maisakatuparan ni Arnel Pineda na makatulong sa ating mga kababayan lalong-lalo na ang mga mahihirap na mga bata. Binubuo na niya ngayon ang Arnel Foundation, sa mga nais malaman ang karagdagang detalye ukol sa naturang foundation. Maari nyo pong bisitahin ang opisyal na site ni Arnel DITO.

Talo si Boom-Boom  

Posted by budzhot

Ang akala ko talaga ay si super bantamweight Rey "Boom Boom" Baustista na ang susunod sa yapak ni Manny Pacquiao. Subalit ang buhay nga naman ay sadyang mapaglaro, natalo siya kanina sa laban nila ni Mexican fighter Heriberto "Cuate" Ruiz sa MGM Grand Arena, Las Vegas.

Via unanimous decision, pinaboran si Cuate ng mga hurado 80-70, 78-72 and 77-73 upang maipanalo niya ito.

O pano Rey, hanggang sa muli mong laban. Bata ka pa naman marami pang pagkakataon na masungkit ang inaasam mong titulo.

Ram Sagad, tanggal na sa Pinoy Fear Factor  

Posted by budzhot

Si Ram Sagad ang pangalawang natanggal sa Segunda Ronda Eliminacion sa Pinoy Fear Factor na napapanood sa primetime bida ng ABS-CBN.

Ang basketbolistang hunk na ito ay nakapagtala ng pinakamaikling oras sa pagkapit sa helicopter. Nakakuha lamang siya ng 30 secs, sumunod si Elmer 38 secs, si Jommy 39 secs at ang pinakamatagal sa ere ay si Jose 49 secs.

Hindi naman daw siya aniya  nagsisisi sa pagsali sa PFF bagkus nagpapasalamat pa siya nito sa programa dahil napaglabanan niya ang fear of height.

Karolina Kurkova, pinakaseksing babae sa buong mundo  

Posted by budzhot

Ang lingerie model na si Karolina Kurkova ang itinanghal na the world's sexiest woman ng E! entertainment television, tinalo niya ang mga batikang aktres na sina Angelina Jolie at si Scarlett Johansson.

Itinanghal rin siya ng Forbe's magazine bilang the world's highest paid models.
Narito ang pagkakasunod na mga talaan ng top 10 sexiest women, ayon sa E!
1. Karolina Kurkova
2. Bar Rafaeli
3. Angelina Jolie
4. Gisele Bundchen
5. Scarlett Johansson
6. Adriana Lima
7. Heidi Klum
8. Penelope Cruz
9. Manuela Arcuri
10. Shakira

Ubo uso ngayong pasko!  

Posted by budzhot

Nakakainis talaga, inuubo na naman ako sa ngayon. Para na akong aso nito tahol ng tahol lalo na kapag naka-inom ako ng malamig na tubig.

Kaya naman pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga posibleng sakit na maari nilang makuha bunsod nang inaasahang unti-unting paglamig ng pa­nahon ngayon dahil sa nalalapit na Kapaskuhan.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), karaniwang sakit na maaaring makuha tuwing malamig ang pana­hon ay ang ubo at sipon. Tatagal ang malamig na pa­nahon hanggang Pebrero.

Charice kumanta sa GMA  

Posted by budzhot

Guest si Charice kaninang umaga sa Good Morning America kasama ang kanyang manager na si David Foster. Bumisita sila upang ipromote ang kalalabas lamang na album ni David Foster ang "Hitman, David Foster & Friends".

Narito naman ang kabuuang video ng pagbisita ni Charice sa GMA.



Oops! Hindi pa nagtatapos dyan. Isa rin ito sa kinanta niya sa Good Morning America. Ang bagong version ni Charice ng pamosong kantang "I Will Survive" na binigyan ng bagong areglo ni David Foster.

See for yourself the new version of I Will Survive by Charice...

Angel Locsin, ang bagong Vivian  

Posted by budzhot

Nasa Australia ngayon si Angel Locsin sa pagsho-shooting ng kanyang kauna-unahang pelikula mula sa Star Cinema, ang movie outfit ng ABS-CBN. "Land Down Under" ang tentative na pamagat nito at makakatambal nya rito ang hearthrob na si Piolo Pascual. Nakatakdang maipapalabas ito sa mga sinehan sa unang bungad ng susunod na taon.

Samantala, kumpirmado ng siya ang gaganap na Vivian sa gagawing remake ng Lovers in Paris ng ABS-CBN. At ang mapalad na makakapareha niya rito at gaganap na Carlo sa naturang Koreanovela remake ay walang iba kundi si Sam Milby.

Nagkaroon na sila ng pagkakataon na magsama noon sa pamamagitan ng MMK. Tingin ko naman may chemistry din naman silang dalawa.

Karylle, masayang lilipat sa Kapamilya  

Posted by budzhot

Uso na talaga ang lipatan ngayon ng network. Kung si Diet ay lumipat na sa Kapuso aba e si Karylle naman ay lilipat na rin sa Kapamilya.
Tinatapos na lang ni Karylle ang mga natitirang mga commitments niya sa network bago tuluyang magiging ganap na Kapamilya.
Siguro kong hindi lang sila nagkahiwalay ni Dingdong Dantes malamang hindi siya lilipat. Matagal-tagal na rin siya sa GMA-7.

Ang STAGES ang namamahala ngayon sa karir ni Karylle at ayon pa sa kanila ang napipintong paglipat niya sa ABS-CBN ay isang career move at maganda naman daw ang magiging exposure nito sa naturang network.

Diether Ocampo, Kapuso na  

Posted by budzhot

Kapuso na pala si Diether Ocampo, ito'y ayon sa report ni Ricky Lo. Pumirma na raw si Diet ng 4-year contract sa GMA-7 noong Lunes at ang unang magiging proyekto niya ay ang remake na Koreanovelang "All About Eve". Makakasama niya rito sina Sunshine Dizon, Iza Calsado, Eula Valdez, Jean Garcia at Richard Gomez.

Dati ko pang naririnig o nababasa sa mga pahayagan na lilipat si Diet sa kabilang bakod pero ngayon lang talaga nangyari.

Nagpa-alam naman daw siya sa mga big bosses ng ABS-CBN sa kanyang pag ober da bakod.

Huling napanood sa Kapamilya network si Diet sa katatapos lamang na teleseryeng "Iisa Pa Lamang" na kinatatampukan nina Claudine Barreto, Gabby Concepcion, Susan Roces at iba pa.

Balitang gagawa si Diet ng pelikula sa GMA Films, ang movie outfit ng Kapuso network at magkakaroon rin daw siya ng hosting job.

Gail Nicolas, unang pinauwi sa Pinas  

Posted by budzhot

Si Gail Nicolas ang kauna-unahang participante na natanggal sa Una Ronda Eliminacion sa kasalukuyang pinapalabas na Pinoy Fear Factor sa ABS-CBN.

Pasaway din naman kasi itong si Marianna, ang manikang dapat iligtas ni Gail sa isang stunt. Ayaw matanggal ni Marianna parang sumabit sa upuan.

Pinauwi kaagad si Gail sa Pinas pagkatapos niyang matanggal sa naturang reality show.

Pero sa mga fans ni Gail mapapanood nyo na siya gabi-gabi sa Dyosha.

Kunting background lang kay Gail, nanalo siya ng Mossimo Bikini Summit noong 2007. Covergirl din siya ng FHM magazine at isang commercial model. Goodluck sa bagong career mo Gail.

Sam balak balikan si Anne  

Posted by budzhot

Isa sa pinaka hot item ngayon ay ang break-up nina Sam Milby at Anne Curtis. Ano nga ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay? Magkakabalikan pa kaya sila?

Kahapon sa The Buzz ay sumalang si Sam Milby sa Tough 10 Questions na itinanong ni Boy Abunda.

Narito ang Tough 10 questions:

Tough 10: Guwapo ka, talented, matalino, what is it that you don't have?

Time with my family. Siyempre ‘andoon pa sila sa States. We don't get to talk that much so more time with my family. That's really what I don't have.

Tough 9: Piolo (Pascual), Sam (Milby), John Lloyd (Cruz), sino ang No. 3, No. 2, at No. 1?

I would say Piolo, No. 1, John Lloyd, No. 2, Sam Milby, No. 3.

Tough 8: Sa mahigit isang taon na magka-relasyon kayo ni Anne (Curtis), were you faithful?

I have been. Very faithful.

Tough 7: Sa mahigit isang taon na magkasama kayo, ilang beses kang umiyak?

Many times, actually. At least four. Actually, I think it's even more than that. There are a lot of things that happened sa relationship and, of course, both sides we always... basta and, bakit, ayoko kong i-elaborate kung bakit. Sa amin na lang.

Tough 6: Bakit naging cause ng break-up niyo ni Anne ang paghahanap ng spiritual direction?

First and foremost, I respect everything she said and I really don't want to sound religious... I am working my relationship with God and. But, I don't want to sound religious, I don't want to sound self-righteous, the thing is there are things about us individually that we need to work on as individuals; that we can't do together.

Tough 5: Can't you and Anne find God together?

I did put a lot of thought into that, too, but like I said I know it's really hard and most people won't understand... we can't help each other in that aspect and the thing is if you put God first and if you trust in God, you know, He'll bring her back. He'll give you want you want.

Tough 4: Habang nasa Europe ka daw at ipinapalabas ang interview kay Anne sa True Confessions last week, umiiyak ka nga ba? Bakit?

Actually, she texted me before 'yong interview... even afterwards she said, 'Yeah, I couldn't stop crying.' I was affected but I didn't cry. I was affected.

Tough 3: May balak ka bang balikan si Anne?

I do. You can't take away how you feel, it's still there. So, yes.

Tough 2: Sino si Rufa Mae Quinto sa buhay mo ngayon?

I found it so funny she was even brought up. We never hanged out. The last time I saw her 'yong "Voices" concert namin sa Manila Hotel. And then afterwards we were talking and she was making kuwento, 'I wanna build a house. I'm looking for an architect.' 'You should see my house. My house is very, very good.' and then she said, 'Well, actually, your house is just on my way home. Can I just stop by and see the house?'

'Yon lang she stopped by to see the house. That was it.

Tough 1: May balak ka bang ligawan si KC Concepcion?

Wala akong balak to court her. Actually, I want to apologize to KC and I didn't know why she was brought up into the situation with Anne and I... sorry.