Charice, pasok sa Alvin and The Chipmunks 2  

Posted by budzhot

When it rains it pours! 'Yan ang kasabihan kapag sinuswerte nga naman ang isang tao. At isa na nga rito si Charice, ang Pinay Youtube singing sensation na popular na ngayon sa buong mundo dahil sa angking galing sa pag-awit.

Si Charice ay nasa Amerika ngayon at tinatapos ang kanyang first US album sa pakikipagtulungan ni David Foster. Pero alam nyo ba na pasok na rin si Charice sa isang Hollywood movie doon? Totoo yan, kasalukuyan siyang nagso-shooting para sa role niya bilang kinatawan ng kanilang school sa isang singing contest katunggali ang ibang mga contestants kasama na rito sina Alvin at mga Chipmunks.

Bagamat maliit lang ang kanyang role masaya pa rin ito at napasama siya sa 20th Century Fox's "Alvin and the Chipmunks 2 na mapapanood sa unang bungad ng taong 2010.

Dumaan muna si Charice sa auditions at kumanta ng 'Listen' at 'Irresplaceable' na pinasikat ni Beyonce. Napabalitang napanood si Charice ng direktor ng 'Alvin and The Chipmunks' sa Oprah at napahanga ito kaya siya natanggap sa role.

Erik Santos gagawa ng album sa US kasama si Jim Brickman  

Posted by budzhot

Isa sa mga paborito kong mang-aawit sa ating bansa ay si Erik Santos. Nung unang nagkaroon siya ng album ay bumili ako at sa kabutihang palad ay nakita ko rin siya sa personal at nakamayan pinirmahan ang binili kong album kalakip ng kanyang poster.

Ngayon malayo na ang kanyang narating bilang mang-aawit. Pumirma ulit siya ng panibagong kontrata sa Star Records at kaakibat nito ay ang recording niya sa U.S.

At ang maganda pa nito ay may collaboration siya with Jim Brickman, ang international singer/composer.

"First time na gagawin ko yun, sa studio talaga sa U.S., para lang sa susunod kong album. Lilipad kami sa States by last week of April, or first week of May, para harapin yung recording doon.

"It will be a collaboration with Jim Brickman. Just the mere thought of it excites me, hindi ko ma-explain ang feeling. Kasi Jim Brickman is special to me, lalo na sa influence niya sa music ko. Fan ako ng songs niya. Hindi ko naisip na ire-record ko pala ang mga kanta niya in the future, and he will be there para sa arrangements at pagtugtog sa piano,"

Mismong sa studio ni Jim Brickman namin tatrabahuin yung recording. Hopefully, pati yung music video para sa ilang kanta, sa U.S. na namin mai-shoot. Grateful ako sa Star Records at binigyan nila ako ng ganitong opportunity. Mahirap kalimutan ito," pagwawakas ni Erik sa kanyang interview.

Mga fans ni Sarah nagrereklamo sa TF nya!  

Posted by budzhot

Personally, hindi ako sa fan ni Sarah Geronimo but I must admit na minsan nanonood din ako sa mga teleserye niya, nakikikanta sa mga hits nya pero hindi ko pa siya napapanood sa pelikula gawa ng wala akong time at busy sa work.

Pero lately naging malaking isyu sa kanya ang kanyang Talent Fee (TF) na lumabas sa Yes Magazine. Na kahit sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Sarah at hinirang na Box Office Queen ay maliit lang pala ang TF niya.

Si Sarah ay contractual talent ng Viva at matagal na rin siyang nakatali dito. Mapa-album, concert, endorsements, TV guestings at pelikula ang Viva ang humahawak nito. Lumalabas tuloy na ginagatasan lang diumano ng Viva si Sarah.

Narito naman ang opisyal na pahayag ng StarCinema sa usapin ng TF ni Sarah.

Star Cinema would like to clarify the issue on the talent fee received by Sarah Geronimo for the movies A Very Special Love and You Changed My Life.

Sarah is a contractual talent of Viva Films, a co-producer for the aforementioned Star Cinema projects. Her professional arrangement is similar to that of Anne Curtis for her projects When Love Begins and ‘Wag Kang Lilingon. Sarah’s and Anne’s talent fees for their individual movies were upon the recommendation of Viva Films. In Sarah’s case, Star Cinema simply adhered to and implemented her contractual agreement with Viva Films.

We honor Sarah Geronimo and Viva Films’ talent-manager relationship. Viva takes care of her talent fees and Star Cinema has nothing to do with it.
Sa kabila ng lahat ay tahimik pa rin si Sarah at hindi mo nakikitaang nagrereklamo sa kanyang TF mula sa Viva. Mukhang kuntento naman siya at masaya sa kanyang buhay ngayon. Oh well, mostly mga panatiko lang ni Sarah ang nagrereklamo. Kung kay KC nga raw e P5 milyon per movie e baguhan lang ito whereas kay Sarah e matagal na at malaki ang fan base bakit hindi pwede kay Sarah?

Handa ka na ba sa Pinoy Bingo Night?  

Posted by budzhot

Magpapaalam na pala sa ere mamaya ang Kapamilya Deal or No Deal (KDOND) sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Subalit hindi pa rin mawawala si Kris Aquino sa sirkulasyon dahil  siya ang magiging host sa bagong game show na papalit sa timeslot ng KDOND. Itong game show na ito ay franchised ng Kapamilya network mula sa Amerika ang National Bingo Night at dinala nila rito sa Pinas at ito ngayon ay tatawaging Pinoy Bingo Night.

Sa mga nais sumali narito kung paano. You may register at http://pbn.abs-cbn.com/ or through SMS (simply key in PBN last name, first name/age/gender/address and send to 2366). Applicants may also drop their entries containing the above-mentioned information in drop boxes at the ABS-CBN compound along Mother Ignacia St., Quezon City.

Mga nominado sa 25th Star Awards for Movies 2009  

Posted by budzhot

Ngayong taon ay gaganapin ang 25th Star Awards for Movies 2009. Ipinagdiriwang ang silver anniversary ng taunang parangal na ito para sa natatanging achievements sa local filmmaking, na itinataguyod ng samahan ng mga mamamahayag pang-aliwan, ang Philippine Movie Press Club o ang PMPC.
Ang 25th Star Awards for Movies 2009 ay gaganapin sa Mayo 28, Huwebes; magsisimula ang programa sa ganap na ika-7 ng gabi, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University (ADMU), Loyola Heights, Quezon City.

Ang TV airing ay mapapanood sa Mayo 31 ganap na ika-10:30 ng gabi. Isasahimpapawid ito ng ABS-CBN.

Ang 25th Star Awards for Movies ay mula sa produksiyon ng FLT Productions, Inc. nina Mrs. Rose Flaminiano at (co-producer) Ms. Christina Kitts.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nominado:

Movie of the Year

A Very Special Love (Star Cinema)
Baler (Viva Films and Bida Productions)
Caregiver (Star Cinema)
Kulam (Regal Entertainment)
Magkaibigan (Maverick Films)
Ploning (Panoramanila Pictures Co.)

Digital Movie of the Year

100 (Martinez Rivera Films Productions)
Boses (Erasto Films)
Paupahan (ATD Productions)
Torotot (Viva Digital)
Yanggaw (Creative Programs Inc./Strawdogs Studio Productions)
Sisa (Oncam Productions)
Jay (Pasion Para Pelicula Productions)

Movie Director of the Year

Dante Nico Garcia (Ploning)
Cathy-Garcia Molina (A Very Special Love)
Jun Lana (Kulam)
Mark Meily (Baler)
Chito Roño (Caregiver)

Digital Movie Director of the Year

Crisostomo Juan Andaluz (Sisa)
Maryo J. delos Reyes (Torotot)
Ellen Ongkeko Marfil (Boses)
Chris Martinez (100)
Francis Xavier Pasion (Jay)
Richard Somes (Yanggaw)
Joven Tan (Paupahan)

Movie Actor of the Year

Carlo Aquino (Carnivore)
John Lloyd Cruz (A Very Special Love)
Allen Dizon (Paupahan)
Baron Geisler (Jay)
Ronnie Lazaro (Yanggaw)
Aga Muhlach (When Love Begins)
Jericho Rosales (Baler)

Movie Actress of the Year

Irma Adlawan (Hubad)
Sharon Cuneta (Caregiver)
Anne Curtis (Baler)
Mylene Dizon (100)
Gloria Romero (Fuchsia)
Judy Ann Santos (Kulam)
Jodi Sta Maria (Sisa)

Movie Supporting Actor of the Year

Ricky Davao (Boses)
Emilio Garcia (Walang Kawala)
Baron Geisler (Baler)
German Moreno (Paupahan)
Phillip Salvador (Baler)

Movie Supporting Actress of the Year

Tetchie Agbayani (Yanggaw)
Shamaine Buencamino (Ang Lihim ni Antonio)
Gloria Romero (Paupahan)
Tessie Tomas (100)
Snooky Serna (Paupahan)

New Movie Actor of the Year

Julian Duque (Boses)
Bojong Fernandez (Ploning)
Kenjie Garcia (Ang Lihim ni Antonio)
Carlo Guevara (Desperadas 2)
Sherwin Ordoñez (Kurap)
Prince Stefan (Shake, Rattle & Roll X, “Class Picture” episode)

New Movie Actress of the Year

Precious Adona (Torotot)
Ynna Asistio (Concerto)
KC Concepcion (For The First Time)
Niña Jose (Shake, Rattle & Roll X, “Class Picture” episode)
Chariz Solomon (My Best Friend’s Girlfriend)

Movie Child Performer of the Year

Julian Duque (Boses)
Ashley Rhein Arca (Kurap)
Tala Santos (Boses)
Sharlene San Pedro (Kulam)
Robert Villar (Shake, Rattle & Roll X, “Nieves” episode)

Original Movie Screenplay of the Year

Roy Iglesias (Baler)
Raz Sobida-Dela Torre (A Very Special Love)
Dante Nico Garcia and Benjamin Lingan (Ploning)
Jun Lana, Elmer Gatchalian and Renato Custodio (Kulam)
Chris Martinez (Caregiver)

Digital Original Movie Screenplay of the Year

Dennis Evangelista (Paupahan)
Chris Martinez (100)
Froi Medina and Rody Vera (Boses)
Francis Xavier Pasion (Jay)
Richard Somes (Yanggaw)

Movie Cinematographer of the Year

Eli Balce (Caregiver)
Lee MeiIy (Baler)
Charlie S. Peralta (Ploning)
Manuel Teehankee (A Very Special Love)
Moises Zee (Kulam)

Digital Movie Cinematographer of the Year

Albert Banzon (Sisa)
Hermann Claravall and Lyle Sacris (Yanggaw)
Larry Manda (100)
Lee Meily (Lovebirds)
Romy Vitug (Paupahan)

Movie Editor of the Year

Danny Añonuevo (Baler)
Danny Añonuevo (Ploning)
Manet Dayrit (Caregiver)
Marya Ignacio (A Very Special Love)
Ria De Guzman, Renewin Alano & Mikael Angelo Pestano (Kulam)

Cory Vidanes, bagong head ng Channel 2  

Posted by budzhot

Hinirang ng ABS-CBN Broadcasting Corp. ang ABS-CBN Head of Entertainment Production Cory Vidanes bilang bagong pinuno ng Channel 2 Mega Manila epektibo nitong Marso 18. Siya ngayon ang mamamahala sa mga programa ng istasyon, pagpapalago ng artista, on-air operations, at pangkalahatang kita ng Channel 2 sa Mega Manila.
Si Vidanes ay naging ABS-CBN Head of Entertainment Production simula noong 1996. Sa kanyang pamumuno, naging popular ang mga soap operang tulad ng "Mara Clara" at "Mula sa Puso". Siya rin ang dahilan kung bakit naging tanyag ang isang kontrabida tulad ni "Madame Claudia" (Pangako Sa'yo) at bumuo ng bankable love teams tulad nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual, at Claudine Barreto at Rico Yan.

Nagtapos si Vidanes ng Communication Arts sa Ateneo de Manila University. Nagsimula ang kanyang career sa telebisyon sa BBC-2 noong 1982 at pumasok sa ABS-CBN noong 1986 bilang Associate Producer.

Geoff Eigenmann balik Kapuso  

Posted by budzhot

Balik Kapuso ulit si Goeff Eigenmann matapos ang ilang taong pamamalagi sa ABS-CBN. Ang 'Lobo' ang huli nitong proyekto sa Kapamilya network. Nagpaalam naman daw siya sa management bago ito lumipat.

Isa sa bagong proyekto ni Goeff sa Kapuso network ay ang SRO Cinema Serye at pinalitan niya rito si JC De Vera dahil nga sa pagpull-out ng manager nitong si Annabele Rama.

Hindi pa siya pormal na pumirma ng kontrata pero inaasahang marami siyang proyektong gagawin sa Kapuso network. Si Geoff ay anak nina Gina Alajar at Michael De Mesa.