'Love Me Again' nina Angel at Piolo hahataw na  

Posted by budzhot

Maligayang-maligaya sina Angel Locsin at Piolo Pascual dahil ang kanilang pinagtatambalang pelikula na 'Love Me Again (land down under) ay ang unang salvo ng Star Cinema sa taong ito. Nauna ng nagpremier ang naturang pelikula sa Los Angeles at San Francisco, USA na siya ring kauna-kaunahan sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino na unang magpremier sa labas ng bansa.

Ito ang kauna-unahang pelikula ni Angel Locsin sa Star Cinema mula nang lumipat siya sa bakuran ng Kapamilya network. Kaya naman laking tuwa niya sa naturalng film outfit na mabigyan ng ganitong kalaking proyekto.

Ang naturang pelikula ay kinunan sa magagandang tanawin ng Bukidnon at Darwin, Australia sa direksyon ni Rory B. Quintos. Mapapanood na ang pelikula sa inyong mga paboritong sinehan nationwide simula January 15, 2009.


This entry was posted on Friday, January 09, 2009 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

13 comments

Amanda  

hahaha andito na ang primerang LAOS at INGRATA. Artista pa ba ito?

Che-Che  

hoy amanda magpakita ka sa akin at ingungodngod ko yang pagmumukha mo sa inidoro. masyado kang bitter ke angel. magpakita kaa!!!

Anonymous  

hanggang ngayon pala may nagsasabi pa ring ingrata si Angel... kayo at ang style nyo ang laos! hanggang ngayon, ampalaya pa rin kayo! ang tagal tagal na nun! kung ayaw nyo kay Angel, huwag! pini-pilit ba namin kayo?! imbes na panlalait kay Angel ang atupagin nyo, mabuti pa intindihin nyo na lang yung mga pelikula ng stasyon nyo.nang kahit papaano e hindi masyadong nakakahiya!

Amanda  

Totoo naman talagang LAOS na yang INGRATA na yan. at hindi ako bitter noh nagsasabi lang me ng katotohanan. si Marian na ang biggest star ngayon. wanna bet?

Anonymous  

biggest star nyong FLOP ang movies!???

Anonymous  

baka sa AGB-GMA naman biggest star!

Anonymous  

Marian Rivera sa TV lang sikat
By: Ed De Leon
DREAM


MAY nagtatanong sa amin, kung totoo raw na ganoon nga kasikat si Marian Rivera, bakit isa man sa dalawa niyang pelikula sa nakaraang film festival ay hindi lumaban sa box office.

Hindi pa rin siya umubra sa pelikula ni Ai Ai dela Alas at Tito,Vic and Joey.

Marami ngang kalaban ang pelikula niya sa ganyang festival, ang tanong namin ay totoo ba ang sinasabi nilang hit ang pelikula nilang dalawa ni Dingdong Dantes?

Hindi kaya padded lang ang mga press release nila noon kagaya ng sinasabi ng marami?

Iilan lang naman talaga ang nagsasabing hit ang pelikulang iyon.

Ang ibig naming sabihin, oo nga at sikat iyang si Marian Rivera pero sa TV lang.

Hindi pa siya puwede sa pelikula.

Sa TV kasi napapanood mo lang iyon nang libre at kadalasan kung pinanonood mo ang mga nauuna o kasunod na programa, napapanood mo na rin kahit na ang mga programang hindi mo intensiyong panoorin.

Iyan ang dahilan kung bakit nakokopo ng Channel 7 ang primetime slot, kumbinasyon kasi ang kanilang mga programa.

Nagkakahilahan sila.

Eh, ang pelikula, para mapanood mo, magbabayad ka nang mahigit na P100.

Sino ngayon ang magbabayad para mapanood ang isang artistang napapanood na nila araw-araw nang lib-re sa telebisyon?

Siguro mayroon kung talagang napakalaking pelikula noon.

Kung hindi naman, si-guro mababalita na napakahusay na acting ang kanyang ipinakita.

Una, wala pa naman si-yang malaking pelikula talaga.

At may isang maldito ang nag-comment na hindi naman siya ganoon kagaling talaga.

Kaya para asahan mo na ang pelikula niya ay ma-kikipaglaban sa takilya sa mga malalaking pelikula, aba, eh, wish ko lang.

Amanda  

sus naniwala naman kau sa reporter na yan e bayaran yan ng abs. si kris aquino na mismo ang nagsasabing si Marian na ang biggest star ngayon coming from a certified kapamilya yan ha.. wag nyong sabihin sinungaling si kris!

Anonymous  

Hay naku Amanda binawi yun ni Kris. Cnabi nya na MALI yung BIGGEST na term rather HOTTEST lmang c Marian kasi madaming intriga sa kanya.

mygolly  

diko maintindihan tong si amanda parang engot. pinagmamalaki mo yang marian mo e flop ang entries sa MMFF kung dipa dhil sa mga kapamilya stars na nakasama nya aba ewan ko lang kung san pupulutin yang mga pelikula niya. mautak lang talaga si mader lily

Jing  

kelngan makahanp ako ng ka date gusto kong panoorin to. todo na to.

Gwapz  

ang masasabi ko lang blockbuster ang movie na to. mali ang sinabi ni alfonga na nilangaw ang pelikula.

Sana lang, malaman na talaga natin ang totoong kinita ng Love Me Again para wag na magbunyi ang mga nagsasabing hindi kumita ko na imposible naman kasi maraming tao sa sinehan ng nanood ako.