Charice gagawa na ng 1st international album  

Posted by budzhot

Sa wakas mag-uumpisa ng magrecording si Charice ngayong buwan na ito sa kauna-unahan niyang international album. Natural produced ito ni David Foster na marami na ring pinasikat na mang-aawit at ito ay under Warner Bros. Balak ng management na ipapalabas ito bago siya sumapit sa edad na 17.

Bali-balita ring malamang mapasama siya sa inauguration ni president-elect Barack Obama sa pag-upo nito sa White House sa katapusan ng buwang ito. Aba malay natin, e alam nyo naman malakas ang backer ni Charice na walang iba kundi si Oprah Winfrey na malaki rin ang naitulong sa pagkapanalo ni Obama sa eleksyong pangpanguluhan sa Amerika.

Sa mga hindi pa nakakaalam, wala ng kontrata si Charice sa ABS-CBN at ang humahawak sa kanyang career ngayon ay sina David Foster at Oprah Winfrey. Pero aniya, kapag nandito siya sa Pinas ay ang Kapamilya network pa rin ang home based niya bilang pagtanaw ng utang na loob sa naturang estasyon.

This entry was posted on Tuesday, January 06, 2009 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

6 comments

Redheart  

Sana ang carrier single nya ay original para di na sya lalaiting karaoke singer.

Amanda  

i dont like charice sumisigaw pag kumakanta buti pa si Sarah G the best!

Che-Che  

hoy amanda! at ano naman ang ikina d best ni sarah e kung bumirit nga yon e parang kuting na nasagasaan ng tren.aber!

Jojo  

I am really excited of her upcoming international album. Guys suportahan natin siya para naman bumenta album niya tapos mag top sa US Billboard charts.

Woody  

eto si Amanda pasaway na naman. Magaling si Sarah kaya lang di na niya kayang pantayan si Charice. Malayo na ang narating ng bata.

mygolly  

yahoo! kinumpirma na ni Charice sa wowowee na kasama siya sa inaugural ni obama. yan ang Kapamilya