Charice, mananatili muna sa Amerika  

Posted by budzhot

Nakabalik na si Charice mula sa Washington D.C. kung saan kumanta siya sa ilang pre-inaugural balls sa bagong halal na presidente ng Amerika na si Barack Obama. Marami ang napabilib sa kanya ng kantahin niya ang 'God Bless America'.

Subalit hindi rin magtatagal rito si Charice sa ating bansa dahil babalik na muli siya sa Amerika at doon na muna mamamalagi. Aniya, kailangan nya munang manatili doon ng ilang buwan para matutukan niya ang kanyang karir at nakatakda na rin niyang gawin ang kanyang kauna-unahang international album sa ilalim ng Warner Bros.

Merong planong pagsamahin sa isang Valentine's concert sina Charice at David Archuleta pero hindi pa ito pinal. May balita ring may bagong show na gagawin si Charice sa Amerika at siya ang magiging host nito.

Narito ang video kung saan kinakanta ni Charice ang God Bless America sa dinaluhan niyang Martin Luther King Awards ceremony sa Grand Hyatt Hotel.

This entry was posted on Saturday, January 24, 2009 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

1 comments

Redheart  

Much better if she will stay in the US than going back and forth in the country. Nakakapagod kayo yon tsaka tama lang yon kasi maraming plano si Oprah sa kanya.