Marian at Dingdong, balik tambalan  

Posted by budzhot

Balik tambalan muli sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa 'Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang' na mapapanood simula Lunes (Pebrero 2, 2009) sa Kapuso network.

Ito na ang pangatlo nilang pagtatambal na nagsimula sa Marimar at pagkatapos naman ay sa Dyesebel.

Kaya sa mga fans nina Marian at Dingdong 'wag nyo ng palalampasin na masilayan muli ang tinuturing na hottest loveteam sa kasalukuyan.

Kilalanin ang 'Rin on the Rox'  

Posted by budzhot

Have you heard about 'Rin on the Rox'? I'm sure ang iba sa inyo ay hindi pa nakakakilala sa kanila. Ok, I will give you a little bit info about them. Magbespren yan silang dalawa. Si Erin 'Rin' Paula na purong Pinay ay 20 na ang edad at si Roxanne 'Rox', ay isang Fil-Am, 21 na taong gulang naman. Sila ang tinaguriang 'Bathroom Singers'.

Magtatanong kayo kung bakit tinagurian silang 'Bathroom Singers'. E kasi, kumakanta silang dalawa sa banyo at nirerecord nila ito tapos ina-upload nila sa Youtube. Dahil sa may boses naman talaga silang dalawa ay maraming humahanga sa kanila at talagang nagrerequest pa.

Ito ngayon, napanood ni Ellen De Generes ang mga video nila sa Youtube kaya naman inimbitahan sila ni Ellen na mag guest sa kaniyang show. Kung naalala nyo, naimbitahan rin si Charice noon ni Ellen sa pamamagitan ng Youtube at ng malaon ay si Arnel Pineda naman ang inimbitahan nito kasama ang buong bandang Journey.

Ang kaibahan nga lang kasi, itong dalawa ay California based kaya kanang-kana kung magsalita but they are proud of their roots as a Filipino.

Sana marami pang madidiskubreng mga Pinoy talent si Ellen. Talagang bilib na bilib siya sa ating mga Pinoy.

To you 'Rin on the Rox', wish you all the best sana magtuloy-tuloy na ang swerte nyo and we're proud of you guys. I love your tandem.. Keep it up.

Charice, mananatili muna sa Amerika  

Posted by budzhot

Nakabalik na si Charice mula sa Washington D.C. kung saan kumanta siya sa ilang pre-inaugural balls sa bagong halal na presidente ng Amerika na si Barack Obama. Marami ang napabilib sa kanya ng kantahin niya ang 'God Bless America'.

Subalit hindi rin magtatagal rito si Charice sa ating bansa dahil babalik na muli siya sa Amerika at doon na muna mamamalagi. Aniya, kailangan nya munang manatili doon ng ilang buwan para matutukan niya ang kanyang karir at nakatakda na rin niyang gawin ang kanyang kauna-unahang international album sa ilalim ng Warner Bros.

Merong planong pagsamahin sa isang Valentine's concert sina Charice at David Archuleta pero hindi pa ito pinal. May balita ring may bagong show na gagawin si Charice sa Amerika at siya ang magiging host nito.

Narito ang video kung saan kinakanta ni Charice ang God Bless America sa dinaluhan niyang Martin Luther King Awards ceremony sa Grand Hyatt Hotel.

Kristine Hermosa, Kapamilya pa rin  

Posted by budzhot

Natapos na rin ang haka-hakang lilipat si Kristine Hermosa sa Kapuso network matapos itong pumirma ng one-year contract kamakailan sa ABS-CBN. Matagal ding namahinga si Kristine sa Kapamilya network.
Sa kanyang pinirmahang kontrata, gagawa siya ng isang pelikula sa movie armed ng ABS-CBN ang Star Cinema. May gagawin din siyang dalawang teleseries at ito ay ang Maruja at ang pagbabalik tambalan nila ni Jericho Rosales, ang Ikaw Lamang. Nauna na silang nagreunion sa isang episode ng MMK noong nakalipas lamang na Disyembre.

Excited siya na muling makatambal si Echo sa panibagong teleseryeng gagawin nila. Open naman daw siya aniya sa posibilidad na manumbalik ang kanilang pagtitinginan sa isa't-isa mula ng sila'y naghiwalay bilang magkasintahan sa tunay na buhay ilang taon na ang nakakalipas.

Kilalanin si BB Gandanghari  

Posted by budzhot

Nakakagulat naman itong bagong balita kay Rustom Padilla. Bakit ka nyo? Aba naman e, pinalitan na pala niya ang kanyang screen name at siya na ngayon ay si 'BB Gandanghari'. O kitams, ang saya-saya! hahaha...
Nawala si Rustom este si BB ng tatlong buwan dahil nag-aral pala ito ng modelling sa New York. No comment naman ang kanyang pahayag kung balak niya na ring magpa sex change.
Cool na cool naman ang naging reaksyon ni Carmina Villaroel tungkol sa nangyayari kay BB ngayon dahil aniya pareho na silang nakapag moved on. Ani Carmina kung saan daw masaya si Rustom aba e happy na rin siya. Oo nga naman total may kambal na siya kay Zoren Legaspi.

Leading-lady ni Zorro, wanted!  

Posted by budzhot

Isa sa pinaka-malaking proyektong gagawin ng GMA-7 ngayong taong ito ay ang paggawa ng Pinoy adaptation ng Zorro. Si Richard Gutierrez ang napili ng Kapuso network na magbida dito.
Kaya lang nahihirapan silang ihanap ng leading-lady si Richard. E masyado naman kasing busy ang mga napipisil sana nila tulad ni Heart na may Luna Mystika, andyan din si Rhian Ramos e may La Lola pa siya. Kung si Marian naman may gagawin din siyang teleserye katambal naman si Dingdong Dantes.

Kaya naman naisipan nilang magkaroon ng open audition bukas para sa magiging leading-lady ni Richard. Sa mga nais mag-audition aba e sumugod na sa GMA Network Center bukas January 16, 2008. Ang open audition ay magsisimula ng 1 pm onwards..

'What you see is what you get'  

Posted by budzhot

Muling magsasama sina KC Concepcion at Richard Guttierez sa pelikulang 'When I Met You' na co-produced ng Regal Entertainment at GMA Films para sa kanilang Valentine's presentation ngayong taon. Nauna ng nagsama ang dalawa noong nakaraang taon sa 'For The First Time' ng Star Cinema at tumabo ito sa takilya.

Dito natin malalaman kung solid nga ba ang mga fans nina KC at Richard kahit pa sa ibang film outfit ito ginawa. Malalampasan kaya nila ang kinita ng una nilang pelikula?

Hindi pa rin direktang inaamin ng dalawa na may namamagitan sa kanila. What you see is what you get, yan ang binitiwang mga salita ni Richard patungkol sa kanilang relasyon.

Samantala, pinabulaan rin ni Richard na lilipat siya sa bakuran ng Dos ngayong taong ito. Aniya, walang dahilan para lumipat siya dahil maayos naman ang takbo ng kanyang karir sa siyete. Kung mayroon man daw silang di pagkakaunawaan ng kanyang mother studio ay nadadaan naman daw sa mabuting usapan.

'A Love Story' humakot ng awards sa 26th Luna Awards  

Posted by budzhot

Wagi ang 'A Love Story' ng Star Cinema sa ika 26th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines dahil humakot ito ng 5 major awards. Ang naturang award ay bilang pagkilala sa mga natatanging pelikula noong 2007. Ang awards night ay gaganapin ngayong darating na January 26, 2009.
Narito ang kumpletong talaan ng mga nagwagi:

Best Picture:
A Love Story (Star Cinema)

Best Director:
Maryo J. de los Reyes (A Love Story)

Best Actor:
Paolo Contis (Banal)

Best Actress:
Maricel Soriano (Bahay Kubo)

Best Supporting Actor:
Dante Rivero (A Love Story)

Best Supporting Actress:
Angelica Panganiban (A Love Story)

Best Screenplay:
Vanessa R. Valdez (A Love Story)

Best Cinematography:
Renato de Vera (Ataul for Rent)

Best Editing:
Jess Navarro (Silip)

Best Production Design:
Rodell Cruz (Resiklo)

Best Sound:
Ditoy Aguila (Ouija)

Best Musical Score:
Carmina Reyes Cuya (Ouija)

Golden Reel Award:
Former President Joseph Estrada

The Manuel de Leon Award:
Cirio Santiago (producer-director)

FPJ Lifetime Achievement Award:
Ms. Boots Anson-Roa (actress)

Lamberto Avellana Award (posthumous):
Juanito Clemente (sound engineer)

'Love Me Again' nina Angel at Piolo hahataw na  

Posted by budzhot

Maligayang-maligaya sina Angel Locsin at Piolo Pascual dahil ang kanilang pinagtatambalang pelikula na 'Love Me Again (land down under) ay ang unang salvo ng Star Cinema sa taong ito. Nauna ng nagpremier ang naturang pelikula sa Los Angeles at San Francisco, USA na siya ring kauna-kaunahan sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino na unang magpremier sa labas ng bansa.

Ito ang kauna-unahang pelikula ni Angel Locsin sa Star Cinema mula nang lumipat siya sa bakuran ng Kapamilya network. Kaya naman laking tuwa niya sa naturalng film outfit na mabigyan ng ganitong kalaking proyekto.

Ang naturang pelikula ay kinunan sa magagandang tanawin ng Bukidnon at Darwin, Australia sa direksyon ni Rory B. Quintos. Mapapanood na ang pelikula sa inyong mga paboritong sinehan nationwide simula January 15, 2009.


Charice gagawa na ng 1st international album  

Posted by budzhot

Sa wakas mag-uumpisa ng magrecording si Charice ngayong buwan na ito sa kauna-unahan niyang international album. Natural produced ito ni David Foster na marami na ring pinasikat na mang-aawit at ito ay under Warner Bros. Balak ng management na ipapalabas ito bago siya sumapit sa edad na 17.

Bali-balita ring malamang mapasama siya sa inauguration ni president-elect Barack Obama sa pag-upo nito sa White House sa katapusan ng buwang ito. Aba malay natin, e alam nyo naman malakas ang backer ni Charice na walang iba kundi si Oprah Winfrey na malaki rin ang naitulong sa pagkapanalo ni Obama sa eleksyong pangpanguluhan sa Amerika.

Sa mga hindi pa nakakaalam, wala ng kontrata si Charice sa ABS-CBN at ang humahawak sa kanyang career ngayon ay sina David Foster at Oprah Winfrey. Pero aniya, kapag nandito siya sa Pinas ay ang Kapamilya network pa rin ang home based niya bilang pagtanaw ng utang na loob sa naturang estasyon.

Ama ni Ai-Ai delas Alas pumanaw na  

Posted by budzhot

Lubos na sana ang kaligayahan ni Ai-Ai delas Alas dahil tumabo sa takilya ang pelikula niyang 'Ang Tanging Ina Ninyong Lahat' mula sa Star Cinema. Subalit nabahiran ito ng lungkot dahil pumanaw na ang kanyang tunay na ama na si Rosendo delas Alas, 88, na namatay dahil sa atake sa puso noong Disyembre 31, 2008.

Hindi masyadong close si Ai-Ai sa tunay niyang magulang dahil pina-ampon siya sa kay Justa na kapatid ng kanyang ama.

Ang kanyang ama ay labas-masok sa ospital bago ito binawian ng buhay.

Cristine Reyes humataw noong 2008  

Posted by budzhot

Hindi pinagsisihan ni Cristine Reyes ang paglipat nito sa Kapamilya network dahil maganda naman ang itinakbo ng karir nito noong nakaraang taon. Naipamalas niya ang angking-galing sa pag-arte sa soap operang Iisa Pa Lamang na pinagbibidahan noon nina Jericho Rosales at ang sikat na Malaysian actress na si Carmen Soo.
Sa ngayon, mas lalong napansin ang kanyang akting sa pinagbibidahan niyang soap opera na Eva Fonda na napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Marami ang pumupuri sa kanyang  napakahusay na pagganap bilang Eva. Naway tuloy-tuloy na ang pagsipa ng karir nito sa taong 2009.

Maligayang Bagong Taon mula sa Pinoy-E!  

Posted by budzhot

Taos-puso po akong bumabati sa inyo ng Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat sa mga masugid kong mambabasa dito sa Pinoy-E! Bagamat bago lang itong entertainment blog na ito pero ako poy nagagalak at marami na rin po ang sumusubaybay at bumabalik dito upang makibalita sa larangan ng showbiz.

Nawa po ngayong bagong taon ay magsama-sama pa rin tayo sa panibagong simula lalung-lalo na sa mga bagong kaganapan sa mundo ng showbiz. Huwag po kayong mag-alala at ihahatid ko sa inyo ang mga maiinit na balita at pawang pinag-uusapan sa showbiz.

Marami pong salamat. Happy New Year!!!