Twilight, magkakaroon ng Pinoy version  

Posted by budzhot

Nabigla ako nang malaman ko na ang ABS-CBN ang nakakuha ng rights sa top grossing film na Twilight upang i-remake bilang TV series. Binili ng Kapamilya network sa halagang isang milyong dolyar at co-produced nila dito ang Ignite Media.

Ayon sa ulat, si Shaina Magdayao ang gaganap sa papel ni Isabella Swan at si Rayver Cruz naman ang gaganap sa papel ni Edward Cullen, sa direksyon ni Cathy Garcia Molina. Inaasahang mag-uumpisa ng magtaping ngayong darating na Pebrero sa susunod na taon.
Subalit marami ang nadismaya sa ginawa ng ABS-CBN dahil anila mabababoy lamang kung i-reremake nila ito. Wala raw kakayahan ang naturang istasyon lalo na sa larangan ng special effects. Kahit ako man ay di alam kung anong klaseng atake ang gagawin ng Kapamilya network upang mapaganda ito at kaaya-ayang panoorin.

Abangan na lang natin ang susunod pang kabanata ukol sa pinaka-ambisyosong remake sa kasaysayan ng telebisyon ng Pilipinas.

This entry was posted on Wednesday, December 24, 2008 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

4 comments

Anonymous  

Sana mabigyan ng hustisya ng ABS-CBN ang pagremake nito. Galingan nyo para wag kayong mapahiya sa buong mundo.

Anonymous  

Naku puro na lang remake wala na talaga. Mga purol na ang mga utak ng mga writers natin. Aasa na lang sa gawang banyaga.

Anonymous  

it's a hoax!!!

Anonymous  

Mabuti na lamang at hindi natuloy ito. Naku kung nagkataon kahiya-hiya tayo sa mga kano hehe