Matagal ko ng inaasam na makitang mag duet ang dalawang pinakamagaling na mang-aawit ng ating bansa at kinikilala ng buong mundo. Ang tinutukoy ko ay sina Charice at Arnel Pineda.
Naganap ang kanilang duet kahapon sa ASAP 08 ng ABS-CBN. Kinanta nilang dalawa ang "Alone" na pinasikat ng bandang Heart.
Subalit laking dismaya ko dahil hindi ganun kaganda ang kinalabasan ng kanilang duet. Mukhang todo birit itong si Charice na nawala sa tono at tila bagang nais nitong sapawan si Arnel Pineda.
Baka sabihin nyo sinisiraan ko si Charice, hindi naman sa ganun. Yon lang talaga ang napapansin ko at hindi umayon sa pandinig ko. Sana mapagtanto ni Charice na hindi kailangan bumirit ng bumirit para sabihing magaling.
Para sa akin ang kantang Alone ay mas maganda sa isang solo performance lamang.
Ganunpaman, nawa'y magbigay pa kayo ng karangalan sa ating bansa. Narito ang video ng kanilang duet:
This entry was posted
on Monday, December 22, 2008
and is filed under
Charice
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
Categories
Archives
-
▼
2008
(32)
-
▼
December
(13)
- Anne Curtis itinanghal na Best Actress ng MMFF '08
- Twilight, magkakaroon ng Pinoy version
- Michael Jackson, walang malubhang sakit
- Arnel Pineda, rumaraket mag-isa
- Sinapawan nga ba ni Charice si Arnel Pineda?
- Katrina Halili at Hayden Kho sex video scandal?
- Angel Locsin, mang-aakit ngayong kapaskuhan
- Dragonball Evolution, handa ka na ba?
- Marian Rivera, napaiyak sa isang 'Ngiti'
- Arnel Pineda, panalo ng 1M
- JC Tiuseco, kauna-unahang Pinoy Sole Survivor
- Manny Pacquiao wagi laban kay Oscar Dela Hoya
- Angel Locsin, ganap ng aktres!
-
▼
December
(13)
1 comments