Arnel Pineda, rumaraket mag-isa  

Posted by budzhot

Marami ngayong naghihimutok na mga hardcore na Journey fans dahil nabalitaan nilang magkakaroon ng shows sa US si Arnel Pineda kasama si Lani Misalucha sa susunod na taon bago ang World Tour ng grupo nito.

Hindi pa raw panahon ito para makitang magsolo si Arnel at wala ang kaniyang kagrupo. Okey lang daw sana kung sa Pinas siya rumaket ng solo pero iba na raw ang usapan kapag nasa US na.

Ang sabi e guest lamang siya nito ni Lani Misalucha at kakanta lamang ng dalawang kanta. At hindi nya rin pupwedeng kantahin ang mga awiting pinasikat ng grupo. Kaya naman kasi nakansel ang huling mga concert nila nitong taon ay dahil na rin sa kalusugan ni Arnel kaya minarapat ng management ng Journey na magpahinga na sila.

Sabihin na nating hindi ganun kalaki ang talent fee ni Arnel kumpara sa mga kasama niya kaya siya rumaraket. Dahil nga sa mabango ang kanyang pangalan ngayon ay tinanggap niya ang raket na yan. Pero siyempre para sa akin, iba ang dating. Mas gugustuhin kong makita siya na kasama ang buong grupo habang nagpeperform. Saka na siya rumaket mag-isa kapag tapos na ang kanyang kontrata sa grupo. Nakakontrata siya ng 3 taon bilang bokalista ng bandang Journey.

Narito ang mga schedule na pwede ninyong mapanood sina Arnel Pineda at Lani Misalucha.

Jan. 30 - Anaheim
Jan. 31 - San Jose
Feb. 1 - San Diego
Feb. 6 - Chicago
Feb. 8 - New Jersey

This entry was posted on Monday, December 22, 2008 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

2 comments

Anonymous  

I really don't like this idea. Bakit sa US pa kung saan maraming fans ng Journey doon. Tapos di pa niya kasama ang grupo niya. Wake up Arnel!

Anonymous  

feeling super sikat nmn tong c arnel.. bka lumagpak ka, arnel.. hinay-hinay lng.. kakahiya nmn sa grupo mo at sa fans mo..