Bagong mukha ang magbibida sa remake ng Rosalinda  

Posted by budzhot

Ang GMA-7 ang nakabili ng rights ng Rosalinda na pinasikat ni Thalia noon. Sa Pinoy version nito marami ang nagsasabing si Marian Rivera ang gaganap nito gawa nga ng siya ang bida sa remake na Marimar noon. Naging popular si Marian dahil sa nasabing teleserye na yon.

Subalit nitong nakaraang trade lunch ng Kapuso network para sa kanilang mga bagong programa na ilalabas nitong taon ay ipinakilala na kung sino ang magbibida sa remake ng Rosalinda. Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Carla Abellana. Siya ay anak ni Rey 'PJ' Abellana at graduated as Cum Laude sa DeLa Salle.

Kamakailan lamang ay pumirma na rin si Carla ng 12 movie contract sa Regal Entertainment. Siya na kaya ang tatanghaling bagong reyna ng Kapuso Network? Papaano na si Marian na lately ay puro nega ang naglalabasang isyu laban sa kanya? Mababa rin sa ratings ang pilot episode nitong ' Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang' na katambal si Dingdong Dantes. Tama kaya ang hula na lalamlam ang karir ni Marian sa taong ito?

This entry was posted on Tuesday, February 03, 2009 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

3 comments

Chx  

Well kung lalaki rin ang ulo niya tulad na Marian sa kangkungan rin ang bagsak niya. Wag naman sana..

Tadyang  

hmmm siya pala si carla ang sinasabi nila. maganda naman siya pero tingnan natin kung sinong magaling umarte si Marimar ba o si Rosalinda.

hello  

nakakatawa naman kukuha nalang cla eh maypagka hawig pa key marian hahahaha
pero hindi ba mey asawa nayan? andun kac sya sa wedding ni cheska
basketbolista yata ung asawa nyan