Arnel Pineda, panalo ng 1M  

Posted by budzhot

Kapag ang tao nga naman ay sinuswerte talagang siksik, liglig at umaapaw, ika nga. Yan si Arnel Pineda na nanalo ng isang milyon noong Huwebes ng gabi sa Kapamilya Deal or No Deal na napapanood sa ABS-CBN. Siya ang itinanghal bilang pang labingpitong milyonaryo ng naturang programa.

Nandito siya ngayon sa ating bansa para magbakasyon at makapiling na rin ang kanyang mga mahal sa buhay sa araw ng pasko at sa araw ng mga puso. Nawalay si Arnel ng matagal sa kanyang mga pamilya noong kasagsagan ng US at European Tour ng legendary rock band na Journey na kung saan siya ngayon ang kasalukuyang bokalista.

Naging matagumpay din ang kanilang album na Revelation na Platinum na ngayon at hindi nagpahuli sa US Billboard Charts. Sabi ni Arnel, magkakaroon ulit sila ng panibagong album sa susunod na taon at magkakaroon din ng Asian Tour na mag-uumpisa dito sa Pinas sa darating na Marso.

Samantala, masaya si Arnel Pineda na nailunsad na ang kanyang foundation para sa mga kapus-palad na mga kabataan dito sa ating bansa. Nais nyang makatulong sa mga ito dahil siya rin mismo ay dumanas ng kahirapan noong maliit pa lamang siya. Kaya ngayon nais niyang ibalik ang mga biyayang nakamtan niya sa pamamagitan ng kanyang itinatag na foundation. Sa mga interesadong magdonate ng pera, school supplies, medicines at iba pa. Bisitahin lamang ang opisyal na website ng kanyang foundation DITO.

This entry was posted on Saturday, December 13, 2008 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

2 comments

Woody  

Ask ko lang po kung kasama si Arnel sa Kapamilya Christmas Special?

Yep! Kasama siya sa Christmas Special ng ABS-CBN. Watch out for it this coming Dec. 21, 2008 which will be aired 9:00pm-12:00am